Sukuk (Mga Bono na Walang Interest)

Ang Sukuk ay mga bono na walang interes na dinisenyo upang magbunga ng mga pagsasauli sa mga namumuhunan alinsunod sa mga prinsipyo ng Shari'ah (batas ng Islam) kung saan sa halip na interes, ang mga mamumuhunan ay tumatanggap ng napagkasunduang bahagi ng mga kita na nabuo ng pool ng mga pinagbabatayang asset, na bahagyang pagmamay-ari ng mga namumuhunan mismo .

Instrument Category

Other ınstruments ın the same Category

Relevant case study

Video produced by CIMB explaining Sukuk bonds. Available at: https://www.youtube.com/watch?v=_mPgAtnDlw4

Deskripsiyon

Ang mga Sukuk ay mga bono na walang interest na dinisenyo para kumita ng balik-bayad sa mga mamumuhunan alinsunod sa mga prinsipyo ng Sharia (Batas ng Islam). Sa halip na interest, tatanggap ang mga mamumuhunan ng napagkasunduang bahagi ng kinita na nabuo mula sa tinipon na mga asset, na bahaging pag-aari ng mga mismong mamumuhunan.

May ilang aspeto ang pagpapalabas ng sukuk na dahilan para maging magagamit na opsyon para sa pagpapakilos sa pribadong sektor para sa mga proyekto ng smart city na nagtataguyod ng mga luntian o napapanatiling kinalalabasan. Halimbawa, halintulad sa mga Green, Social, Sustainable, Sustainability-linked (GSSS) na mga bono, nakatakda ang mga pondong nabuo sa pamamagitan ng sukuk para sa mga partikular na layunin na nakabatay sa mga prinsipyong may responsibilidad sa lipunan at etikal. Nagbibigay din sa mga mamumuhunan ang istraktura ng sukuk na nakabatay sa asset ng mas mataas na katiyakan na gagamitin ang naipon na pondo para sa inilaang layunin.

Mga Kondisyon sa Pagpapagana at Pangunahing Pagsasaalang-alang

  • Magtatag ng mga pambansang alituntunin para sa luntian o napapanatiling pagpapalabas ng sukuk. Mahlaga ang tungkulin ng isang pambansang balangkas para sa luntian o napapanatiling pagpapalabas ng sukuk sa paghimok sa paggamit dito bilang magagamit na opsyon para sa mga lokal na pamahalaan na pakilusin ang pribadong sektor ng pananalapi na pondohan ang mga proyekto ng smart city. Hindi lang nakatutulong ang mga alituntunin na ito na pabilisin ang proseso ng pagpapalabas at mapipigilan ang greenwashing kundi nagpapadala rin ng malakas na pahiwatig ng suporta ng pamahalaan para sa mga napapanatiling pamumuhunan. Kapwa ipinakilala ng Malaysia at Indonesia ang pambansang pamantayan sa green sukuk, hal. ang Sustainable and Responsible Investment (SRI) Sukuk Framework (2014) ng Malaysia at ang Green bond and Green Sukuk framework ng Indonesia (2017).
  • Pagsunod sa mga available na pinakamahusay na kagawian sa internasyonal. Dapat na sumunod ang sukuk na naisyu para sa mga green o sustainability-linked na inisyatibo sa mga available na pinakamahusay na kagawian sa internasyonal, kagaya sa GSSS Principles na binuo ng Islamic Development Bank sa pakikipagtulungan sa International Capital Markets Association at sa London Stock Exchange Group. Makatutulong na makahikayat ng demand mula sa mga mamumuhunan sa ibang bansa ang paggawa nito at makababawas sa kawalang-katiyakan ng mga mamumuhunan.
  • Umiiral na legal na balangkas na inakma sa mga prinsipyo ng pananalaping Islamic. Kinakailangan ang isang umiiral na legal na balangkas na kahanay ng mga prinsipyo ng pananalaping Islamic para sa pagpapalabas ng sukuk (o green sukuk) dahil sa kakaiba at partikular na katangian ng mga transaksiyon sa pananalaping Islamic. Kinakailangan ito para matugunan ang mga pangunahing elemento ng pananalaping Islamic, kagaya ng pagbabawal na kumita ng interest (riba), pagsunod sa mga prinsipyong etikal at may responsibiladad sa lipunan, at sa pag-istraktura ng sukuk batay sa mga kasunduan sa paghahati ng kinita at pagkatalo.
  • Mga insentibo para pangalagaan ang mga interes. Makahihimok sa pagsali ng pribadong sektor ang paggamit ng mga insentibo kagaya ng kabawasan sa buwis o mga subsidiya para mababaan ang gastos sa pamumuhunan at pagpapalabas ng green sukuk. Halimbawa, sa Malaysia, ang mga nag-isyu ng green sukuk na sumusunod sa SRI sukuk framework ng bansa ay karapat-dapat para sa mga kabawasan sa buwis at mga subsidiya.

Mga Potensyal na Hamon

  • Maaaring maging hamon ang mga pamantayan na nagbabawal sa pagpapalabas. Maaaring mahirap na bagay na matutunan ang pagsunod sa mga prinsipyo ng Sharia sa pagpapalabas ng sukuk para sa mga bagong nag-isyu. Maaari ring magkaroon ng mas malaking gastos ang partikular na pamantayan at istraktura ng isang sukuk dahil sa gastos sa pagsusuri at pag-uulat.
  • Maliit na sekondaryong pamilihan para sa mga mamumuhunan ng sukuk. Nananatiling maliit ang sekondaryong pamilihan para sa green sukuk dahil sa limitadong bilang ng mga mamumuhunan ng sukuk. Bilang resulta, nagpapakita ang iba pang mga institusyonal na mamumuhunan ng kumpiyansa at interes na may pag-aalangan dahil karaniwan silang naghahanap ng matibay na sekondaryang pamilihan para mapunan ang mga inaasahang liquidity. Nagbibigay din ng hamon ang limitadong kabatiran sa green sukuk na higit sa mga tradisyunal na mamumuhunan sa pangangalaga ng mas malaking liquidity ng pamilihan.
  • Kakulangan ng mga nararapat na proyekto para sa pagpapalabas ng sukuk. Ang isang transaksiyon na sukuk ay dapat na nakabatay sa asset para masunod ang mga prinsipyo ng Sharia. Para sa kahusayan, maaaring piliin ng mga nag-isyu na gamitin ang mga green o sustainability-linked na asset para buuhin ang sukuk, gayunpaman, ang pagtukoy sa mga asset para sa layuning ito ay maaaring maging malaking hamon dahil sa kakulangan ng mga karapat-dapat na proyekto. Ang mga dati nang pagpapalabas ng green sukuk na nakabatay sa proyekto ay nakatuon sa mga proyekto ng nababagong enerhiya at luntiang tunay na ari-arian, kung saan may potensiyal ang mga ito na pondohan ang mas maraming uri ng mga proyekto kagaya ng pamamahala sa solidong basura at napapnatiling paggamit ng lupa para sa konserbasyon ng biodiversity.
  • Kakulangan ng naka-standardize na klasipikasyon at pagsukat sa pagganap. Mapipigil ng kakulangan ng klasipikasyon ng mga green asset at proyekto ang pagtipon ng mga green asset para sa pagpapalabas ng green sukuk. Gayundin, ang kakulangan ng naka-standardize na mga pagsukat sa pagganap para sa green sukuk ay lumilikha ng hirap para sa mga mamumuhunan na matasa at maihambing ang epekto sa kapaligiran at kikitain sa mga instrumentong ito. Mahahadlangan ng hamon na ito ang kumpiyansa sa instrumento at nililimitahan ang malawakang paggamit dito.

Mga Potensyal na Benepisyo

  • Alternatibong opsyon sa pananalapi para sa mga luntian o napapanatiling proyekto. Nagbibigay ang mga green o sustainability-linked na sukuk sa mga lungsod ng dedikadong alternatibong pinagmumulan ng pondo para sa mga proyektong mabuti sa kapaligiran at responsable sa lipunan. Sa pag-access ng kapital sa pamamagitan ng mga bono na ito, maisusulong ng mga lungsod ang mga mithiin nila sa pagpapanatili nang hindi umaasa sa mga tradisyunal lang na paraaan ng pagpopondo kagaya ng mga loan sa bangko.
  • Pangmatagalang opsyon sa pagpopondo. Makapagbibigay ang sukuk ng pangmatagalang pagpopondo, gayong ang timing ng daloy ng pera ng mga proyekto ng luntiang imprastraktura ay kadalasang akma sa mga katamtaman at pangmatagalang iskedyul ng pagbabayad ng bono.
  • Kaakit-akit na alternatibong pamumuhunan para sa mga mamumuhunan na nilalayong lagyan ng pagkakaiba-iba ang kanilang portfolio. Maaaring maging mahahalagang asset ang mga green o sustainable sukuk na maganda ang rating ng kredito na gawing pamumuhunan para sa mga mamumuhunan na nilalayong lagyan ng pagkakaiba-iba ang kanilang portfolio.

Mga Pinagmulan/Karagdagang Impormasyon

Case Study

Scroll to Top