Deskripsiyon
Ang umiikot na pondoay isang gap financing na paraan na may kasamang pagtatag ng tinipon na pera na muling nagpupuno ng sarili. Karaniwang pinatatakbo ang mga umiikot na pondo ng mga ahensiya ng pamahalaan sa kapwa pang-estado at pederal na antas o mga internasyonal na organisasyon, kagaya ng UN-Habitat.
Gumagana ang mga umiikot na pondosa pamamagitan ng paggamit ng kinita o mga pagbabayad sa loan mula sa mga naunang pinondohan na proyekto para suportahan ang mga bagong inisyatibo gamit ang katumbas na halaga ng mga pondo. Magagamit ang mga pondo para makapagbigay ng mga konsesyonaryo na loan, mga garantiya, o mga pamumuhunan sa equity sa iba’t ibang proyekto ng smart city, na mula sa mga proyekto sa pagtitipid ng enerhiya hanggang sa pagsasa-moderno ng mga pampublikong pasilidad, mula sa mga proyektong nagpapahusay sa pamamahala sa tubig at basura, hanggang sa pagpondo sa maliliit at katamtamang laki na mga negosyo. Ang layunin at istraktura ng isang umiikot na pondoay may katumbas na pagka-naiaayon. Maaari itong itatag para magsilbi sa isang layunin para sa itinakdang haba ng panahon at pagkatapos ay ihihinto o itatatag para sa unlimited na itatagal para sa isang nagpapatuloy na pag-isyu. Ang panimulang kapital ng isang umiikot na pondoay karaniwang katumbas sa isang kaloob at hindi ito kinakailangan na bayaran at maaaring magmula sa kumbinasyon ng mga pampublikong pinagkukunan kagaya ng mga lokal, pang-estado, o pederal na pamahalaan, at mga organisasyon ng pagpapaunlad o donor.
Mga Kondisyon sa Pagpapagana at Pangunahing Pagsasaalang-alang
- Pagtatag ng pagkakarapat-dapat at pamantayan sa alokasyon. Ang pagtatag sa layunin ng umiikot na pondo, kabilang ang pagtakda ng mga rekisito sa pagkakarapat-dapat para sa mga humihiram, mga minimum at maximum na halaga, saklaw sa paggamit ng pondo, pag-set up ng isang committee para repasuhin ang mga aplikasyon at pagtukoy sa mga tungkuling administratibo at panganailangan sa tauhan na kaugnay ng programa, atbp. ay ilan sa mga pangunahing rekisito para sa pagtatag ng isang umiikot na pondo. Makatutulong ang paglikha ng isang pre-application form o checklist sa mga potensiyal na humihiram na matukoy kun gnararapat sila at nang maalis ang mga di-angkop na aplikasyon.
- Pagpapatupad sa mga mekanismo sa pagbabayad. Importante para sa kapwa humihiram at fund manager na maunawaan at tumalima sa nakasaad na mga tuntunin sa pagbabayad ng kanilang kontrata, para matiyak ang kakayahang mapangalagaan ng pondo. Sa mga pagkakataong nanganganib ang mga humihiram na mag-default, maaaring magpatupad ang fund manager ng mga plano sa pagwawasto para matiyak ang pagbabayad. Napaka-importante na naipapatupad nang patas at hindi pabago-bago ang mga panukatan sa pagbabayad.
- Mga rekisito sa pag-uulat para sa kalinawan. Ang tumpak at napapanahon na pag-uulat ay nagbibigay sa mga stakeholder ng makabuluhang pagsusuri sa bisa ng pondo. Nagbibigay ito sa mga stakeholder ng mga insight sa kalusugan ng pondo, epekto, pagtalima sa panukatan ng pagkakarapat-dapat at mga kondisyon sa pagbabayad, mga area ng tagumpay at mga area na kailangan ng pagpapabuti, na siyang magpapaganda sa kakayahang mapangalagaan ng pondo.
Mga Potensyal na Hamon
- Kakulangang ng karanasan sa pagpapatupad ng mga mekanismo ng umiikot na pondo. Ang kakulangan sa karanasan sa pagdisenyo, pagpapatupad, at pagsubaybay sa mga umiikot na pondo ay maaaring maging hamon para sa mga opisyal ng pamahalaan na nagnanais na gamitin ang mekanismong ito para pondohan ang mga proyekto ng smart city. Ang mga umiikot na pondo, na sa totoo’y nagreresiklo ng mga mapagkukunan para pondohan ang mga bagong proyekto dahil bayad na ang mga lumang loan, ay nangangailangan ng magandang pang-unawa sa pamamahala ng pananalapi, pagtasa sa panganib, at paghanay ng proyekto. Kapag walang sapat na karanasan, maaaring mahirapan ang mga opisyal na magdisenyo ng mabisang istraktura ng pondo, pumili ng mga viable na proyekto, at pamahalaan nang mahusay ang mga mapagkukunan ng pondo, na maaaring mauwi sa mababang pagkaproduktibo ng mga pondo.
- Panganib ng mababang pagkaproduktibo para sa mga umiikot na pondo. Ang maling paglaan ng mga mapagkukunan at suporta sa mga inisyatibo na hindi nakasasapat sa mga layunin ng pondo ay posibleng maglimita sa abilidad ng pondo na i-maximise ang epekto nito at mapanatili ang tuloy-tuloy na suporta. Hindi lang nito nahahadlangan ang bisa ng pondo kundi nagreresulta rin sa pagkawala ng mga oportunidad na ilaan ang mga mapagkukunan sa mga mas produktibong pamumuhunan. Maaaring lumitaw ang problemang ito mula sa iba’t ibang nakapailalim na salik, kabilang ang di-sapat na pagpaplano at pagtakda ng mithiin, di-sapat na pangangasiwa at pagsubaybay, mahinang pamamahala sa panganib, mga kahinaan ng burukrasya, bukod sa iba pa.
- Potensiyal na kakulangan ng pagkapare-pareho sa pag-uulat at pamantayan sa accounting. Ang pangunahing hamon sa pamamahala ng isang umiikot na pondo ay ang kawalan ng pagkapare-pareho sa pag-uulat. Kapag nagbigay ang mga stakeholder at benepisyaryo ng proyekto ng iba-iba o pabago-bagong mga ulat, ginagawa nitong komplikado ang pangangasiwa sa pondo at mga proseso sa pagsusuri. Maaaring makahadlang ang kakulangan ng naka-standardize na format ng pag-uulat sa kakayahan ng tagapamahala ng pondo na gumawa ng mga tumpak na paghahambing sa pagitan ng mga proyekto, tasahan ang pangkalahatang pagganap, at matukoy ang mga lugar na dapat pagbutihin. Napakahalaga ng pagtatag ng pare-parehong pamantayan sa pag-uulat para mag-streamline ng pagkolekta ng datos, pagandahin ang kalinawan, at magbigay-daan sa komprehensibo at magkasundong pag-analisa sa mga operasyon ng pondo.
- Potensiyal na hirap sa pagsasagawa ng mabisang pagsubaybay. Ang pagtiyak na nagagamit ang mga inilaang pondo alinsunod sa mga naunang tinukoy na mga plano ay kailangan ng tuloy-tuloy na pagbabantay. Maaaring magkaroon ng mga paghamon mula sa mga magkakaibang timeline ng mga proyekto, mga di-inaasahang gastos, o mga pagbabago sa saklaw ng proyekto, na ginagawang mapanghamon na mapanatili ang real-time na pagtingin sa paggamit ng pondo. Hinihingi ng mabisang pagsubaybay ang matatag na sistemang kayang subaybayan ang mga ginagastos, pag-validate sa mga milestone ng proyekto, at pagtugon sa mga paglihis, na maaaring hindi kayang ipatupad ng mga opisyal dahil sa kakulangan ng karanasan sa pagpapagana ng mga umiikot na pondo na mekanismo.
Mga Potensyal na Benepisyo
- Kusang-nagpupunong pinagmumulan ng pananalapi. Ang isang umiikot na pondo ay dinisenyo para maging self-sustaining (kusang-nagpupuno). Habang ginagamit ang mga pondo para sa mga proyekto o inisyatibo na nagbabalik ng kinikita o kabayaran, tinitiyak nito ang tuloy-tuloy na pool ng pondo sa loob ng istraktura. Kapag napamahalaan nang wasto, nababawasan ng umiikot na pondo ang pag-asa nito sa mga minsanang kaloob o alokasyon ng pondo mula sa mga donor.
- Access sa mga naiaayon na pinagkunan ng kapital. Nagbibigay ng access ang isang pondo ng umiikot na loan sa naiaayon na pinagkunan ng kapital na maaaring gamitin kasabay ng mga mas karaniwang pinagkunan. Maaaring i-set up ang mismong pondo para pagsilbihan ang iba’t ibang mga layunin at proyekto. Dagdag pa rito, habang lumalaki ang pondo sa pamamagitan ng mga pagbabayad, maaari itong ituon sa mga dumarating o bagong oportunidad.
Mga Pinagmulan/Karagdagang Impormasyon
- Council of Development Finance Agencies (n.a.). Mga pondo ng umiikot na loan at pananalapi para sa pagpapaunlad. Available sa: https://www.cdfa.net/cdfa/cdfaweb.nsf/pages/revolving-loan-funds.html
- Portal ng Pananalapi ng Napapanatiling Imprastraktura (2017). Mga smart city at makabagong pagpopondo. Available sa: https://infrastructure.iisd.org/news/smart-cities-and-innovative-financing
- Indonesia Government Accounting Standards Committee KSAP (2012). Technical bulletin 07 mga umiikot na pondo. Available sa: https://www.ksap.org/sap/wp-content/uploads/2012/12/Technical-Bulletin-07-Revolving-Funds.pdf
- US Government Accountability Office (2024). Mga umiikot na pondo. Mga pangunahing tampok. Available sa: https://www.gao.gov/products/gao-24-107270
- UN-Habitat, Government of Madhya Pradesh (2020). Mga alituntunin sa mga umiikot na pondo para sa mga scheme ng suplay ng tubig na pinamamahalaan ng komunidad at pagpapatayo ng mga inodoro sa mga sambahayan sa mahihirap na bahagi ng kalunsuran sa Madhya Pradesh, India. Available sa: https://unhabitat.org/sites/default/files/2020/09/guidelines_on_revolving_funds_for_community.pdf#.~.text=URL%3A%20https%3A%2F%2Funhabitat.org%2Fsites%2Fdefault%2Ffiles%2F2020%2F09%2Fguidelines_on_revolving_funds_for_community.pdf%0AVisible%3A%200%25%20
- EY (2019). Paano mailalagay ng mga pinuno ang kapital sa mga lungsod? Available sa: https://www.ey.com/en_tw/government-public-sector/how-can-leaders-put-the-capital-into-cities