Mga Bono ng Proyekto

Ang bono ng proyekto ay isang bono na ginagamit upang tustusan ang isang partikular na proyekto, bahagya man o buo.

Instrument Category

Other ınstruments ın the same Category

Relevant case study

Deskripsiyon

Ang bono ng proyekto ay isang bono na ginagamit para pondohan ang isang partikular na proyekto. Ang mga bono ng proyekto ay karaniwang ini-issue ng isang special purpose vehicle para makalikom ng kapital para sa isang bahagi o kabuuan ng proyekto. Maraming uri ng mga proyekto, kabilang ang transportasyon, mga power plant, mga sistema ng pamamahala ng basura, atbp. ang maaaring pondohan sa pamamagitan ng mga bono ng proyekto. Kapuna-puna, na ang mga bono ng proyekto na sumusuporta sa mga inisyatibo ng nababagong enerhiya ay madalas magkuwalipika para sa ‘green’ bond label na itinakda sa Green Bond Principles ng Internasyonal na Asosasyon ng Pamilihan ng Kapital. Habang tradisyunal na ginagamit para muling pondohan ang mga umiiral nang proyekto, at post-construction, nagkaroon ng lumalaking trend na paggamit ng mga bono ng proyekto para pondohan ang mga panimulang yugto ng pagtatayo ng mga greenfield project. Iba-iba ang pinagmumulan ng mga mamumuhunan para sa mga bono ng proyekto, na sumasaklaw sa mga kumpanya ng seguro, mga asset manager, mga infrastructure debt fund, at mga lokal na mamumuhunan, na sumasalamin sa malawak na pang-akit at pagkamaaayon ng instrumentong ito sa pagpakilos ng kapital para sa mahalagang itinatayong imprastraktura.

Mga Kondisyon sa Pagpapagana at Pangunahing Pagsasaalang-alang

  • Nakatatag na legal na balangkas. Ang isang lungsod o lokal na pamahalaan ay dapat na mayroong umiiral na legal na balangkas para magbigay-daan sa pagpapalabas ng mga bono ng proyekto. Dapat na nakabalangkas sa balangkas na ito, bukod sa iba pang problema, ang mga pamamaraan sa pagkuha ng pautang, tukuyin ang mga pinapahintulutang uri ng seguridad, tukuyin ang naka-denominate na currency ng bond, at magtatag ng mga remedyo para maging panangga ng mga nagpapautang sakaling magkaroon ng pagpalya sa pagbabayad.
  • Paborableng rating ng kredito. Kakailanganin ng mga bono ng proyekto na inilaan para sa pamumuhunan sa publiko na sumailalim sa masinsin na proseso ng rating ng mga ahensya ng rating ng kredito. Pinagaganda ng positibong rating ng kredito ang apela ng bono, na nagpapahiwatig ng mga potensiyal na mamumuhunan na matatag ang pananalapi ng nag-isyu, gumagamit ng mga kagawiang mahusay na pamamahala, at may kasaysayan ng pagtupad sa mga pinansyal na obligasyon nito.
  • Mga mekanismo sa pagpapaganda ng kredito. Ang pagsama ng mga mekanismong nagpapaganda ng kredito kagaya ng mga garantiya ng bono, ay magpapaganda sa pagkakaakit-akit ng isang bono ng proyekto para sa mga mamumuhunan. Nagsisilbing garantiya sa mga mamumuhunan ang isang garantiya ng bono na tutuparin ang mga prinsipal at interes ng mga ito, kahit na nahaharap sa pag-default o mga panganib na partikular sa proyekto. Nakatutulong ang mga mekanismong ito na mabawasan ang mga panganib na kaakibat ng mga bono, na ginagawang mas kaakit-akit ang mga ito para sa mga mamumuhunan.
  • Angkop na pag-iingat at mga pamamaraan sa pagsisiwalat. Sa paghahanda ng alok na bono ng proyekto, maraming pagrepaso ng ikatlong partido ang kailangang isagawa para mai-compile ang memorandum ng bond offering. Karaniwang kabilang sa mga ito ang mga teknikal na pagsusuri ng ikatlong partido sa mga operayon at pagganap ng proyekto, mga hiwalay na pag-awdit para maberipika ang mga pinansyal na modelo ng proyekto, at mga pagsusuri ng mga legal counsel para matasa ang kredito, istruktura, pinansyal, at cash flow risk profile ng nag-isyu batay sa mga makatuwirang pagpapalagay, at pagsusuri ng isang legal counsel sa kredito, istruktura, pinansyal, at cash flow risk profile ng njag-isyu. 

Mga Potensyal na Hamon

  • Limitadong karanasan ng lokal na pamahalaan sa pagpapalabas ng bono. Maaaring limitado ang karanasan ng lokal na pamahalaan sa pag-navigate sa kasalimuotan ng pagpapalabas ng bono. Hindi malaya sa panganib ang pagpapalabas ng bono ng proyekto, partikular na sa kawalang-kakayahan ng pamahalaan na bayaran ang mga obligasyon nito sa interes at prinsipal pagsapit ng mga takdang araw nito ayon sa kontrata. Kung hindi maayos na paghahandaan o papamahalaan nang angkop ang mga panganib na ito, makakaapekto ang pagpapalabas ng bono sa pananalapi ng lokal na pamahalaan sa hinaharap.
  • Maaaring maging prosesong matakaw sa mapagkukunan ang pagpapalabas ng bono. Mabagal at magastos ang paghahanda ng mga kinakailangang dokumento para sa angkop na pag-iingat at pamamaraan sa pagsisiwalat sa offering memorandum ng bono ng proyekto. Dapat na gumamit ang mga underwriter at advisor na may kinalaman sa prosesong ito ng maselang pag-iingat, dahil sila at ang nag-isyu ang sasalo ng pananagutan para sa anumang di-tumpak na pahayag o pagtanggal ng babasahin sa mga dokumento ng offering.
  • Kakulangan ng karanasan sa pagharap sa mga problema ng intercreditor. Maaaring pondohan ng mga bono ng proyekto ang bahagi ng isang proyekto at kakatawan sa isa lang sa ilang yugto ng pananalapi, partikular sa malalaking proyekto. Ang pagkakabilang ng iba’t ibang nagpapautang mula sa iba’t ibang klase sa istraktura ng pagpopondo sa isang proyekto ay nagdadala ng mga masalimuot na problema sa intercreditor, gaya ng kung aling mga desisyon ang nangangailangan ng pahintulot ng nakararami sa mga nagpapautang, kung alin ang nangangailangan ng pahintulot ng mga bondholder, at kung aling klase ng mga nagpapautang ang makapag-uutos ng kaganapan ng pagpalya sa pagbabayad o magpapabilis ang mga pasilidad. Importante ang isang kasunduan sa intercreditor na mahusay ang pagkakadisenyo sa pamamahala sa proseso ng paggawa ng desisyon at mga mekanismo sa pagpapatupad sa mga hanay ng istraktura ng pagpopondo sa proyekto at maaaring maging hadlang sa daan ang kakulangan ng karanasan sa pagharap sa mga naturang problema.

Mga Potensyal na Benepisyo

  • Pangmatagalang opsyon sa pagpopondo. Nag-aalok ang mga bono ng proyekto sa mga lokal na pamahalaan ng pangmatagalang solusyon sa pagpopondo para sa malalaking proyektong pang-imprastraktura sa pamamagitan ng paghanay sa iskedyul ng pagbabayad sa kapaki-pakinabang na itatagal ng pinondohang asset.
  • Kakayahang lumikom ng kapital para sa mga malakihang proyekto. Nagbibigay-daan din ang mga bono ng proyekto sa mga lokal na pamahalaan na makalikom ng kapital para sa mga mahalagang proyektong pang-imprastraktura na maaaring mapanghamon na pondohan sa pamamagitan lang ng mga direktang paglilipat mula sa badyet ng bansa.
  • Ang mga nalikom sa bono ay maaaring gamitin upang pondohan ang iba’t ibang mga proyekto. Maaaring iisyu ang mga bono ng proyekto para makalikom ng pondo para sa iba’t ibang proyekto na tutugon sa mga mahalagang pangangailangan ng komunidad, kabilang ang mga sistema ng pamamahala ng basura at tubig, mga proyekto sa paglipat ng enerhiya, mga proyektong pangtransportasyon, atbp.

Mga Pinagmulan/Karagdagang impormasyon

Case Study

Scroll to Top