Deskripsiyon
Ang garantiya ay isang mekanismong nagpapaganda ng kredito para sa mga instrumento sa pautang (mga loan o bono). Kinakatawan nito ang isang pangako sa kontrata ng tagagarantiya na babayaran ang prinsipal at/o interes sa nagpahiram ang halaga na ginarantiya kung magkaroon ng pagpalya sa pagbabayad. Mahalaga ang probisyon na ito dahil makabuluhan nitong inaalis ang panganib ng mga pamumuhunan, na nagbibigay-kakayahan sa mga tagapondo sa pribadong sektor na magbigay ng pagpopondo para sa mga importanteng proyekto. Ipinakita sa mga pag-aaral na ang bilang ng mga pagpalya sa pagbabayad sa mga transaksiyon na sinegundahan ng tagagarantiya ay mas mababa, pahiwatig na sa ilang kaso, ang mga ipinapalagay na panganib ay mas matimbang pa sa tunay na panganib, at ang probisyon ng mga garantiya ay makatutulong na mapababa ang gastos para sa pampublikong sektor para maabot ang mga layunin sa pagpapaunlad.
Mailalapat ang mga garantiya sa iba’t ibang sitwasyon para mapahusay ang access ng humihiram sa kapital. Halimbawa, maraming internasyonal na organisasyon ng pagpapaunlad ang nag-aalok ng bahagyang garantiya sa kredito (partial credit guarantee, PCG) o mga bahagyang garantiya sa panganib (partial risk guarantee, PRG). Nagbibigay ang mga bahagyang garantiya sa kredito sa mga nagpapahiram at mamumuhunan ng komprehensibong credit cover sa bahagi ng loan o bono na ginarantiya ng internasyonal na organisasyon ng pagpapaunlad kung magkaroon n gpagpalya sa pagbabayad. Sinasagot ng mga bahagyang garantiya sa panganib ang mga nagpapahiram laban sa anumang di-pagbabayad ng humihiram na dulot ng mga kaganapan ng panganib sa pulitika. Ang isa pang application ay ang mga scheme ng garantiya ng pampublikong kredito (public credit guarantee schemes, PCGS) na magagamit ng mga pamahalaan para mabuksan ang mga iba’t ibang layunin, kabilang ang mga loan sa mga maliit at katamtamang enterprise (small and medium enterprises SMEs). Sa kontekstong ito, nagbibigay ang scheme ng ikatlong partido na pagpigil sa panganib sa mga nagpapahiram sa pamamagitan ng pagsaklaw sa bahagi ng pagkalugi kung magkaroon ng pagpalya sa pagbabayad, karaniwang para sa kapalit na bayarin.
Mga Kondisyon sa Pagpapagana at Pangunahing Pagsasaalang-alang
- Malinaw na panukala ng proyekto. Kailangan ng mga nagpapahiram at mga tagagarantiya na tasahan ang teknikal at pinansyal na feasibility ng isang proyekto bago aprubahan ang isang garantiya. Ang isang panukala ng proyekto na mahusay ang pagkakahanda, na may malinaw na layunin, saklaw, at mga kahihinatnan na nagpapakita sa pagka-viable nito sa pananalapi ay magpapaganda sa pagiging kaakit-akit ng proyekto at sa gayon ay ang posibilidad ng pagkakaroon ng garantiya.
- Mga umiiral na ugnayan sa trabaho. Malaki ang maidaragdag ng pagkakaroon ng naunang ugnayan sa trabaho sa pangkalahatang kumpiyansa at pakikipagtulungan na kinakailangan para makakuha ng garantiya. Ang kasaysayan ng matagumpay na pakikipagtulungan o naunang pinansyal na transaksiyon ay nakakabuo ng kumpiyansa sa nagpapahiram at/o sa tagagarantiya sa pagkamaaasahan at husay ng humihiram at maaaring maging labis na kapaki-pakinabang sa panahon ng negosasyon.
- Hindi pabago-bago ang mga balangkas ng regulasyon. Ang hindi pabago-bagong legal na kapaligiran ay nakapagbibigay ng ligtas na pundasyon para sa mga tagagarantiya, humihiram, at nagpapahiram, sa mga obligasyon sa kontrata at sa mga mekanismo ng di-pagkakasundo. Pinagaganda ng pagka-mahuhulaan na ito ang pangkalahatang pagtatasa sa panganib para sa tagagarantiya at sa mamumuhunan, na nagbibigay ng kumpiyansa sa feasibility ng pagsasaayos ng garantiya.
Mga Potensyal na Hamon
- Potensiyal na pagkasalimuot sa paghahanay ng mga inaasahan ng mga kaugnay na partido. Nagdaragdag ang mga garantiya ng pagkasalimuot sa isang transaksiyon na loan kabilang ang isa man lang na karagdagang partido sa pagsasaayos. Kaya magiging mahalagang ihanay ang mga interes at inaasahan ng maraming kaugnay na partido. Kabilang dito ang paghanay sa mga aspeto kagaya ng inaasahang epekto ng kasunduan at kung paano susukatin ang epekto, kasunduan sa pakikihati sa mga layer ng panganib, mga timeline para sa pagsara ng deal, at pangkalahatang pangmatagalang mithiin ng bawat partido.
- Panganib ng mga moral na peligro. Ang guarantee scheme na hindi maganda ang pagkakadisenyo ay maaaring magpasok ng mga moral na peligro, gayong ang panganib ng papalya sa pagbabayad ay bahagya na ngayong inilipat sa tagagarantiya. Halimbawa, maaaring hindi maging kasing-ingat ang isang humihiram sa pamamahala sa proyekto o sa mga desisyon sa pananalapi, gayong iniisip na sasagutin ng tagagarantiya ang pagpalya sa pagbabayad. Kung hindi maayos na paghahandaan o papamahalaan nang angkop ang mga panganib na ito, makakaapekto ang mga umuulit na pagpalya sa pagbabayad sa pananalapi ng lokal na pamahalaan sa hinaharap. Makatutulong ang mga obligasyon sa kontrata, nakahanay na mga insentibo, at pagbabantay na mapigilan ang mga partido sa paggawa ng mga kilos na labis na mapanganib.
Mga Potensyal na Benepisyo
- Pinahuhusay ang pagkakarapat-dapat sa pautang. Makatutulong ang mga garantiya na mapaganda ang pagkakarapat-dapat ng isang instrumento sa pautang, kagaya ng isang garantiya ng bono o isang garantiya ng loan. Sa pagbigay ng katiyakan na masasapatan ang mga obligasyon sa pagbabayad kahit na sa mga hindi magandang sitwasyon, nagagawa ng mga garantiya na maging mas kaaya-aya ang mga proyekto sa mga nagpapahiram. Maaari itong magresulta sa mga mas paborableng tuntunin sa pananalapi, kagaya ng mas mababang rate ng interes o mas mahabang panahon ng muling pagbabayad.
- Nagbibigay-daan sa access sa mga pagpapahiram na nasa pribadong sektor. Ang pagkakaroon ng mga garantiya sa isang proyekto ay makahihikayat ng mas maraming mamumuhunan, kabilang ang mga mula sa pribadong sektor, na marahil ay nagdadalawang-isip na makilahok nang walang dagdag na katiyakan at layer ng paghahati-hati ng panganib. Ito naman ay nag-aalaga sa mga pamumuhunan sa mga sektor na marahil ay hindi naisip pasukin ng mamumuhunan noon, kagaya ng mga luntian o napapnatiling na proyekto para sa mga smart city.
Mga Pinagmulan/Karagdagang Impormasyon
- ADB (2023). Mga Garantiya. Available sa: https://www.adb.org/what-we-do/private-sector-financing/guarantees
- IMF (2016). Mga garantiya ng pamahalaan, transparency, at pagtanggap ng bangko ng panganib. Available sa: https://www.imf.org/external/np/res/seminars/2016/arc/pdf/Cordella_Dellariccia_Marquez_Session4.pdf
- GuarantCo (n/a). Tungkol sa Guarantco. Available sa: https://guarantco.com/about-guarantco/
- OECD (n/a). Nagbibigay-daan sa access sa pananalapi – discussion paper sa mga scheme ng garantiya ng kredito. Available sa: https://www.oecd.org/global-relations/45324327.pdf