Mga Asset-Backed Security (ABS)

Ang mga kaligtasan na nakatabay sa asset ay isang uri ng investment vehicle na kung saan ang isang pool ng income-generating asset, gaya ng mga loan o utang sa mga issuer, ay pinagsama-sama at nako-convert sa isang nabibiling seguridad na ibinebenta sa mga namumuhunan.

Instrument Category

Other ınstruments ın the same Category

Relevant case study

Deskripsiyon

Ang mga asset-backed security ay uri ng pamumuhunan kung saan ang tinipon na mga asset na kumikita, kagaya ng mga loan, ay naka-bundle at ikino-convert sa naikakalakal na seguridad. Ibebenta ng isang kumpanya o organisasyon ang mga loan o utang nito sa isang nag-isyu, isang pinansyal na institusyon, na magpa-package sa utang sa isang portfolio na ibebenta sa mga mamumuhunan. Ang proseso ng pagsasama-sama ng mga asset na hindi liquid sa mga naikakalakal na instrumento sa pananalapi (mga seguridad) ay tinatawag na securitisation (pagseguridad). Kukunin ang kikitain ng mga mamumuhunan sa cash flow ng mga nakapailalim na asset. Magagamit ang ABS para pondohan o muling pondohan ang mga loan sa mga umiiral nang asset. Nakakaakit ang mga ABS dahil nagbibigay ang mga ito ng tuloy-tuloy na pagpasok ng mga mamumuhunan na nakatuon sa kinikita, na may mga yield premium na maaaring mas mataas kaysa sa mga tradisyunal na anyo ng mga instrumentong nakatakda ang kinikita, katulad ng mga bono ng pamahalaan o korporasyon. Sa konteksto ng pagpopondo sa smart city, pangunahing ginagamit ang ABS para pondohan ang maliliit na green o climate smart project, gamit ang mga loan sa green o climate-smart project bilang nakapailalim na asset.

Description of Asset-backed securities. Available at: https://corporatefinanceinstitute.com/resources/fixed-income/asset-backed-securities-abs/

Mga Kondisyon sa Pagpapagana at Pangunahing Pagsasaalang-alang

  • Nagbibigay-kakayahan na kapaligiran ng regulasyon. Mahalaga ang nagbibigay-kakayahan na kapaligiran ng regulasyon na sumusuporta sa paggamit ng ABS. Kabilang dito ang pagkakaroon ng mga regulasyon na nangangasiwa sa mga transaksiyon na pagseguridad, proteksiyon ng mamumuhunan, at pagsisiwalat ng mga kinakailangan para sa transparency ng pamilihan. Kailangan din ang katiyakan ng regulasyon para mapangalagaan ang interes ng mamumuhunan sa ABS.
  • Balangkas para i-standardise ang mga kontrata sa loan para sa mga luntiang proyekto o proyekto ng smart city. Makatutulong ang isang balangkas na nagtatatag ng sistematikong pagharap para ikategorya at tasahan ang mga loan sa mga luntiang proyekto o proyekto ng smart city na matiyak na ang kapital mula sa ABS ay ginagamit para suportahan ang paglipat tungo sa mas luntian at smarter city. Para sa layuning ito, makatutulong sa pampublikong sektor na makipagtulungan nang malapitan sa mga market player para mai-standardize ang mga kontrata ng loan para sa mga luntiang proyekto o proyekto ng smart city.
  • Paggamit ng mga mekanismo sa pagpapaganda ng kredito. Mapapahusay ng paggamit ng mga mekanismo sa pagpapaganda ng kredito gaya ng mga garantiya na mapahusay ng rating ng kredito para sa ABS, na ginagawang mas kaakit-akit ito para sa mga mamumuhunan.

Mga Potensyal na Hamon

  • Pagkasalimuot ng pag-istraktura ng kolateral. Ang nakapailalim na kolateral sa ABS ay kadalasang kinabibilangan ng iba’t ibang asset. Maaaring mapanghamon ang pagsusuri at pag-istraktura sa mga asset na ito dahil sa pagkakaiba-iba ng mga istraktura sa pagbabayad, kalidad ng kredito, at iba pang mga katangian.
  • Kumpiyansa ng investormamumuhunan at nararapat na pag-iingat. Napakahalaga ang pagbuo ng interes at kumpiyansa ng mamumuhunan sa ABS market. Importante ang kalinawan sa pagsiwalat ng impormasyon na kaugnay ng mga nakapailalim na asset, mga salik na panganib, at istraktura ng mga seguridad para maganyak ang mga interes ng mamumuhunan at mapanatili ang integridad ng pamilihan.
  • Pagka-sensitibo sa mga kondisyon ng pamilihan at ekonomiya at sa mas matataas na panganib. Sensitibo ang ABS sa mga kondisyon ng pamilihan at ekonomiya. Ang mga salik na gaya ng mga rate ng interes, pagbagsak ng ekonomiya, at ikinikilos ng consumer ay makakaapekto sa paggana ng mga nakapailalim na asset atnakaka-impluwensiya sa pangkalahatang istraktura ng mga seguridad. Nasasailalim din ang ABS sa mas maraming panganib sa kredito, liquidity, at valuation kaysa sa ibang seguridad na nakatakda ang kinikita.

Mga Potensyal na Benepisyo

  • Aggregator ng mga maliliit na loan. Ang mga loan para sa maliliit na proyekto ay maaaring pagtipunin at i-security para maabot ang deal na sapat ang laki para sa mga pamilihan ng bono. Ang pag-tag sa mga pagseguridad bilang ‘luntian’ o ‘napapanatili’ ay nagbibigay-daan sa mga nag-isyu na mapasok ang lumalaking demand para sa mga seguridad na may mga benepisyong pangkapaligiran.
  • Mas mababang gastos sa kapital kaysa sa pagpopondo ng bangko. Sa mga kapaligirang mataas ang interes, maaaring mag matipid ang ABS na naisyu sa mga pamilihan ng bono kaysa sa pagpoondo ng bangko. Partikular na importante ito para sa mga proyekto na may mataas na gastos sa kapital.
  • Pinahuhusay ang liquidity ng mga asset na hindi liquid. Mapapahusay ng ABS ang liquidity (kakayahang maisa-pera) ang mga nakapailalim na asset sa pamamagitan ng pagtipon at pag-convert ng iba’t ibang loan sa mga naikakalakal na seguridad. Kapag ginawa ito, maaalis ang mga asset mula sa balance sheet, at ang kapital na naipon sa pamamagitan ng pagbebenta ng ABS ay magagamit ng mga nagsimula ng loan para sumulat ng marami pang loan at lumikha ng panibagong portfolio. 
  • Kaaya-aya sa mga mamumuhunan na nakatuon sa pag-diversify ng portfolio at premium ng yield. Nag-aalok ang ABS sa mga mamumuhunan ng paraan para mai-diversify ang kani-kanilang mga portfolio. Sa pamamagitan ng paglikha ng mga tranche ng seguridad mula sa tinipon na mga asset, nagagawa ng mga mamumuhunan na makapili ng risk-reward na pinakatumutugma sa papayagan nilang panganib. Makapag-aalok din ang ABS sa mga mamumuhunan ng yield premium kumpara sa mga mas tradisyunal na inaalok, tulad ng mga bono ng pamahalaan o korporasyon, na may parehong mga rating ng kredito. Ginagawa nitong potensiyal na mas madali ang ABS para makalikom ng pondo para sa mga proyekto ng smart city.

Mga Pinagmulan/Karagdagang Impormasyon

Case Study

Scroll to Top