On-Bill na Pananalapi para sa Mga De-kuryenteng Pampublikong Bus sa Chile

Noong 2017, ipinakilala ng Santiago, Chile ang proyekto sa pagsasa-kuryente ng pampublikong transportasyon na layuning isa-kuryente ang 25% ng mga pampublikong bus pagsapit ng 2025. Isang makabagong on-bill na pananalapi ang ipinakilala para pondohan ang mga bagong de-kuryenteng bus. Ang Metbus, isa sa mga pribadong bus operator sa Santiago, ay nakipagtulungan sa Enel, isang Italian na utility company, at BYD, isang Chinese na manufacturer ng sasakyan sa isang pilot project para ipakilala ang mga de-kuryenteng bus. Napatunayang tagumpay ang pilot at pinalawig ito para gawin ang Metbus bilang pinakamalaking tagapagpalabas ng mga de-kuryenteng bus sa Santiago.

On-Bill na Pananalapi para sa Mga De-kuryenteng Pampublikong Bus sa Chile

Instrumento at halaga ng pagpopondo

On-Bill na pananalapi para sa mga de-kuryenteng pampublikong bus

Background

Noong 2017, ipinakilala ng Santiago, Chile ang proyekto sa pagsasa-kuryente ng pampublikong transportasyon na layuning isa-kuryente ang 25% ng mga pampublikong bus pagsapit ng 2025. Isang makabagong on-bill na pananalapi ang ipinakilala para pondohan ang mga bagong de-kuryenteng bus. Ang Metbus, isa sa mga pribadong bus operator sa Santiago, ay nakipagtulungan sa Enel, isang Italian na utility company, at BYD, isang Chinese na manufacturer ng sasakyan sa isang pilot project para ipakilala ang mga de-kuryenteng bus. Napatunayang tagumpay ang pilot at pinalawig ito para gawin ang Metbus bilang pinakamalaking tagapagpalabas ng mga de-kuryenteng bus sa Santiago.

Diskarte

Ang Metbus, isa sa mga pribadong bus operator sa Santiago, ay nakipagtulungan sa Enel, isang Italian na kumpanya ng utilidad, at BYD, isang Chinese na manufacturer ng sasakyan. Kumilos ang Enel bilang ahente sa pananalapi at tagapagbigay ng enerhiya, at inarkila ang mga de-kuryenteng bus ng BYD sa Metbus para sa haba ng panahon na 10 taon. Responsibilidad ng Metbus ang pagpapatakbo sa mga bus at pagbigay ng mga basic na pagmamantini, habang BYD ang namamahala sa mga mas sopistikadong pagmamantini, kabilang ang mga battery pack. Mayroon din kasunduan ang Metbus sa BYD kung saan ang manufacturer ang magiging responsable para sa anumang multa na matatanggap kung hindi makasasapat sa pagganap ang mga bus.

Isang makabagong on-bill na pananalapi ang ipinakilala para pondohan ang mga bagong bus. Sasagutin ng utilidad (Enel) ang mga panimulang gastos ng pagbili ng mga de-kuryenteng bus mula sa BYD gamit ang mga panloob na pondo o pagpopondo sa utang. Aarkilahin ng bus service operator (Metbus) ang mga bus mula sa utilidad nang walang karagdagang panimulang gastos kaysa bumili ng isang diesel na bus. Sa halip, mababawi ang ginastos sa pamamagitan ng nakatakdang taripa sa buwanang bayarin sa kuryente ng operator sa mga pagbabayad sa Enel na inilalapat sa pamamagitan ng isang Ahensya ng Pamamahala sa Pananalapi na bahagi ng mas malawak na system ng Santiago sa pampublikong transportasyon at siyang may responsibilidad sa pag-distribute ng pondo sa sistema. Kina-calibrate ang taripa para matiyak na ang tinatayang gastos sa pagpapatakbo ng isang de-kuryenteng bus ay kahambing o mas mababa pa kaysa sa isang diesel na bus. Sa sandaling ganap nang mabawi ang mga ginastos ng utilidad, magiging pag-aari na ng Metbus ang bus at mga charger.

Mga Resulta

Nagsimula ang pilot project gamit ang dalawang BYD bus at isa itong tagumpay, kung saan ang gastos sa pagpapatakbo ng isang de-kuryenteng bus ay nakalkula sa USD 0.10/KM, kung ihahambing sa gastos sa isang diesel na bus, na nasa USD 0.43/KM. Sa pagpapatuloy sa tagumpay ng mga pilot, nakipagtulungan ang Metbus sa Enel at BYD para magdagdag ng karagdagang 100 bus sa fleet nito noong 2018. Nadagdagan pa ito lalo sa 183 bus noong 2019 at dagdag pang 150 bus noong 2020, na gumawa rito bilang pinakamalaking tagapagpalabas ng mga de-kuryenteng bus sa Santiago, Chile.

Gamit ang fleet na 400 bus, nakatulong ang Metbus sa pagbawas ng malapit sa 20,630 tonelada ng CO2, na nagmarka ng humigit-kumulang sa 5% na pagbaba kung ihahambing sa mga level noong 2018. Bukod pa rito, nag-ulat ang mga operator sa dalas at pagkamaaasahan ng mga de-kuryenteng bus na katumbas o higit pa sa mga karaniwang bus, na nagha-highlight sa mga benepisyo ng isang fleet ng mga de-kuryenteng bus. Mas mababa rin ang gastos sa pagmamantini at pagpapatakbo para sa mga de-kuryenteng bus kung ihahambing sa mga diesel na bus.

Mga Pangunahing Natuklasan

Napakahalaga ng garantiya ng pamahalaan sa pagpapataas ng kumpiyansa ng mamumuhunan.

Para mapataas ang kumpiyansa ng Enel na maging isang investor sa pamamagitan ng pagbili sa mga de-kuryenteng bus sa on-bill na financing scheme na ito, sinegunduhan ng pambansang pamahalaan ang mga garantiya ng pagbabayad mula sa Ahensya ng Pamamahala sa Pananalapi sa Enel. Ibinawas ng aAhensiya ang mga pagbabayad sa arkila mula sa buwanang bayad sa Metbus anupaman ang pagganap ng Metbus.

Makaiiwas sa mga panganib ng maling pamamahala kung ang pagkakaroon ng naka-centralize ang sistema para kolektahin ang mga bayarin at pamahalaan ang mga pagbabayad.

Makapagtatatag ang mga munisipalidad ng naka-centralize na sistema sa pagkolekta ng bayarin para matiyak ang financially viable na sistema ng transportasyon. Makatutulong sa mga munisipalidad ang pagkolekta ng mga pamasahe nang direkta at naka-centralize sa halip na umasa sa mga operator para mai-maximize ang kinikita at maiwasan ang panganib ng maling pamamahala. Sa kaso ng Metbus, responsibilidad ng Ahensya ng Pamamahala sa Pananalapi ng sistema sa pampublikong transportasyon ang pamamahala sa pondong dumadaloy sa loob ng sistema.

Makatutulong ang regulasyon na suportahan ang pagkupkop sa mga green technology.

Isang pangunahing salik sa tagumpay ang mahihigpit na pamantayan na ipinatupad ng Ministeryo ng Transportasyon ng Chile na nagmumulta sa mga diesel na sasakyan at ginawang mas kaaya-aya ang mga sasakyan na mayroong mas mababang emission. Dahil kinupkop na ng Chile ang mga pamantayan sa bus na Euro VI noong 2017, naging mas maliit ang agwat ng pamumuhunan mula sa mga Euro VI na bus papunta sa mga de-kuryenteng bus.

Mga Pinagmulan/Karagdagang Impormasyon:

  1. C40 knowledge (2020). Pinangungunahanan ng malinis na pagbawi sa lungsod gamit ang mga de-kuryenteng bus. Available sa:  https://c40.my.salesforce.com/sfc/p/#36000001Enhz/a/Hp000000GLFi/XgEm7gg.8utnB3JS5agpd7iexpXjXvo9h8gw140W7Ek
  2. C40 knowledge (2020). Metbus sinisimulan ang mga pagpapalabas ng e-bus sa Santiago. Available sa: https://c40.my.salesforce.com/sfc/p/#36000001Enhz/a/1Q000000gQSR/ET0.2kS_O5ps_SIFrmwgPiDb95Z6inMj6uIjaIcF3mg
  3. C40 knowledge (2020). Mula sa mga pilot hanggang iskala – mga aral mula sa pagpalabas ng mga de-kuryenteng bus sa Santiago de Chile. Available sa: https://c40.my.salesforce.com/sfc/p/#36000001Enhz/a/1Q00 0000kW6c/knYCd6z53PMEDuWdggFpR0kinupp_K30zr8Bmes4r.8
  4. Global Innovation Lab for Climate Finance (2018). Magbayad-habang-nakatitipid para sa mas malinis na transportasyon. Available sa: https://www.climatefinancelab.org/wp-content/uploads/2018/02/Pay-As-You-Save-for-Clean-Transport_Instrument-Overview.pdf
  5. GovInsider (2023). Paano naging isa sa mga pinakaunang lungsod ang Santiago na gawing de-kuryente ang pampublikong transportasyon. Available sa: https://govinsider.asia/intl-en/article/how-santiago-became-one-of-the-first-cities-to-electrify-public-transport-at-scale

Other Relevant Case Studies

Naglaan ang pamahalaan ng Brunei Darussalam (madalas na tinutukoy din bilang Brunei) ng B$18 milyon (USD 13.4 na milyon)* para sa pagpapaunlad ng BruHealth phase II at III sa badyet nito para sa FY23/24
Ang pagtatayo ng planta ng solar power ay pinadali ng pinaghalong konsesyonal na pananalapi, na may kabuuang halagang US$41 milyon na may suporta na US$4 milyon mula sa Canada-IFC Pinaghalo na Programang Pananalapi.
Ang Toll Road Special Vehicle (BUJT) na nagpapatakbo ng MBZ Toll Road ay nag-divest ng 40% ng bahagi nito sa PT Jasamarga Jalanlayang Cikampek (JJC) na nagkakahalaga ng IDR 4.38 trilyon (USD 291.6 milyon) * sa PT Margautama Nusantara (MUN) na isang subsidiary ng Salim Group Company.
Scroll to Top