Instrumento at halaga ng pagpopondo
SGD 197.6 na milyon (USD 265.6 na milyon)* sa pamamagitan ng mga paglilipat ng pambansang pamahalaan
Background
Ang Smart Nation Initiative ay inilunsad ni dating Punong Ministro Lee Hsien Loong noong 2014. Ito ay pinangunahan ng Grupo ng Smart Nation (Smart Nation Group, SNG), na isang organisasyon sa ilalim ng Opisina ng Punong Ministro (Prime Minister’s Office, PMO) na responsableng magtakda ng mga direksiyon at estratehiya sa patakaran para sa pagbuo at pag-regulate ng impormasyon at komunikasyon, industriya ng media, digital na teknolohiya, at pagpapaunlad ng smart nation.
Diskarte
Ang Grupo ng Smart Nation na kasalukuyang pinamamahalaan sa ilalim ng Ministeryo ng Pagpapaunlad at Impormasyon ng ng Digital (Ministry of Digital Development and Information, MMDI) ay inilaan ng operating badyet na $197.6 na milyon (USD 265.6 na milyon)* noong FY2024 (isang bahagi ng inilaan na badyet ng MMDI). Ang paglalaan ng badyet na ito ay nakadokumento sa Mga Dokumento ng Badyet ng Ministeryo ng Pananalapi ng Singapore.
Mga Resulta
Ipinakilala ng Grupo ng Smart Nation ang isang malawak na hanay ng mga smart technology sa parehong pampubliko at pribadong sektor. Ang isa sa mga pinakamalaking tagumpay ay ang matagumpay na pag-digitize ng hanggang 95% ng lahat ng serbisyo ng pamahalaan. Nagreresulta ito sa pagbawas ng mga gawain sa papeles, pinahusay na oras ng pagkumpleto at higit na kaginhawahan para sa mga mamamayan.
Kasama sa iba pang mga tagumpay ang pagsuporta sa patuloy na pag-unlad ng Matalinong Sistema sa Transportasyon (Intelligent Transport System, ITS) ng Singapore at ang pagsasama nito sa Smart Nation Strategy na inilathala noong 2018. Ang ITS ay isang sistema na gumagamit ng koleksiyon ng mga sensor at camera upang mangalap ng datos sa daloy ng trapiko at oras ng paglalakbay upang suportahan ang mga biyahero sa kanilang pang-araw-araw na pagbiyahe. Ang sistema ay nagbibigay din sa mga opisyal ng pamahalaan ng mga paraan upang subaybayan at pamahalaan ang daloy ng trapiko, mangalap ng mga kaalaman sa kapasidad ng kahusayan sa network ng kalsada, at gumawa ng mga desisyon upang mapataas ang kaligtasan sa kalsada.
Ang mga tagumpay sa itaas ay nakatulong nang malaki na naging dahilan kung bakit ang Singapore ay isa sa nangungunang limang “Smartest cities” sa mundo, ayon sa Smart City Index 2024 ng IMD Business School.
Mga Pangunahing Natuklasan
Ginagarantiyahan ng paglikha ng isang dedikadong lupon na may malinaw na mandato para sa pagpapaunlad ng smart city, kasama ang isang itinalagang badyet ang pagpopondo para sa mga proyektong ito
Ang diskarteng ito ay nagpapataas ng bilis kung saan ang mga proyekto ng smart city ay nakakakuha ng pondo at sumusuporta sa mabilis na pagpapatupad ng mga matalinong solusyon tulad ng matalinong sistema sa transportasyon (intelligent transportation systems, ITS) at pamamahala sa basura ng smart city.
Ang pagsentro sa pangangasiwa at paglalaan ng sapat na mapagkukunan sa SNG ay napatunayang mahalaga para sa tagumpay ng mga proyekto ng smart nation.
Ang pagbibigay ng malinaw na mandato sa Grupo ng Smart Nation na magdisenyo at magpatakbo ng mga proyekto ng smart city ay mahalaga din.
Mga Pinagmulan/Karagdagang Impormasyon
- Portal ng Developer ng Pamahalaan ng Singapore (2023). Digital na Paglalakbay sa Pamahalaan ng Singapore. Available sa: https://www.developer.tech.gov.sg/our-digital-journey/singapore-digital-government-journey/overview.html
- Mnisteryo ng Pananalapi (2024). FY 2024 Mga Pagtatantya sa Paggastos ng Ministeryo ng Mga Komunikasyon at Impormasyon. Available sa: https://www.mof.gov.sg/docs/librariesprovider3/budget2024/download/pdf/39-mci-2024.pdf
- Smart Nation Singapore. Tungkol sa grupo ng Smart Nation. Available sa: https://www.smartnation.gov.sg/archive/sng/
- Smart Nation (2018). Smart Nation na Estratehiya. Available sa: https://www.smartnation.gov.sg/files/publications/smart-nation-strategy-nov2018.pdf
- IMD (2024). IMD Smart City Index 2024. Available sa: https://www.imd.org/smart-city-observatory/home/rankings/
- Tandaan na ang mga halaga ng USD ay kinakalkula batay sa average na 12 buwan na rate ng palitan noong 2023. Nakuha mula sa site: https://www.x-rates.com/average/?from=USD&to=SGD&amount=1&year=2023