Instrumento at halaga ng pagpopondo
MYR 250 milyon (USD 59 na milyon) sa pamamagitan ng sukuk (mga bono na walang interest)
Background
Isa ang Malaysia sa pinakamalalaking hub para sa Islamic banking, ipinagmamalaki ang ganap nang nakatatag na sukuk market na kumakatawan sa humigit-kumulang 40% ng pandaigdigang di-bayad na sukuk sa 3Q2023. Noong 2014, sinimulan ng bansa ang Sustainable and Responsible Investment (SRI) na sukuk framework nito para iposisyon ang sarili bilang sentro para sa luntian at napapanatili na pananalaping Islamic.
Noong 2017, itinatag ng World Bank, Bank Negara Malaysia (BNM) at Securities Commission Malaysia ang isang technical working group para tumuklas ng mga paraan na hihimok sa mga pamumuhunan sa mga luntian o napapanatiling proyekto, na may mithiing magbigay-daan sa pagbuo ng green Islamic na finance market sa Malaysia. Bilang pangwakas sa mga pagsisikap ng working group, nag-isyu ang Tadau Energy Sdn Bhd sa kauna-unahang green sukuk noong 27 Hulyo 2017, at matagumpay na nakakalap ng MYR 250 milyon (USD 59 na milyon). Ginamit ang pondo para pondohan ang isang 50-megawatt na solar photovoltaic power plant sa Sabah, Malaysia.
Diskarte
Nagsagawa ang Malaysia ng mga unang hakbang tungo sa pagposisyon sa sarili nito bilang sentro para sa luntian at napapanatili na pananalaping Islamic sa pamamagitan ng SRI sukuk framework nito na layuning itaguyod ang pananalaping may responsibilidad sa lipunan at sa pamumuhunan, bilang karugtong ng umiiral nang sukuk framework. Natukoy ng technical working group ang oportunidad na pakinabangan ang pamunuan ng Malaysia sa pananalaping Islamic para pangunahan ang pagpapalabas sa kauna-unanghang green sukuk sa mundo. Pagsasamahin ng makabagong instrumento sa pananalapi na ito ang mga prinsipyo ng mga green bond at sukuk, para mag-alok ng solusyon na makatutugon sa mga pangangailangan ng bansa sa imprastraktura at luntiang pagpopondo.
Para makamit ang tagumpay na ito, nakipag-usap ang technical working group sa iba-ibang pampubliko at pribadong stakeholder, kabilang ang Ministeryo ng Pananalapi, Ministeryo ng Enerhiya, Green Technology, and Water, sa Malaysian Green Technology and Climate Change Corp. (kilala noon bilang Green Tech Malaysia Sdn Bhd), at iba pang mga institusyon sa pananalapi at mga posibleng nag-isyu. Kasama sa mga pagsisikap nila ang pagsulong sa konsepto ng green sukuk at pagbigay ng paggabay sa kung paano sisimulan ang lokal na pamilihan gamit ang mga insentibo kagaya ng mga pagkaltas ng buwis at mga subsidiya pati na rin ang pagsuporta sa mga unang nag-isyu na i-navigate ang mga patakaran ng pamahalaan at mga pinakamahusay na kasanayan sa internasyonal.
Kasunod nito’y nag-isyu ang Securities Malaysia ng SRI sukuk at Bond Grant Scheme na nagbigay ng iba-bang insentibo sa mga nag-isyu ng sukuk. Sa estratehiyang ito, maaaring i-claim ng mga karapat-dapat na nag-isyu ang 90% ng kanilang bayad sa panlabas na tagasuri mula sa mga kaloob ng pamahalaan at makatanggap ng mga di-pagkabilang sa buwis nang hanggang limang taon. Kabilang sa karagdagang paggabay ang tulong sa pagtukoy sa mga nararapat na luntiang proyekto, tulong sa pagbuo ng kapasidad para matulungan ang mga nag-isyu na kumupkop ng mga pinakamahusay na kagawian ng ibang bansa, matukoy ang mga panlabas na tagasuri, at pagkuha ng luntiang sertipikasyon para mapaganda ang katiyakan ng green sukuk at kumpiyansa ng mamumuhunan.
Mga Resulta
Noong 27 Hulyo 2017, nag-isyu ang Tadau Energy Sdn Bhd ng kauna-unahang green sukuk, at matagumpay na nakakalap ng MYR 250 milyon (USD 59 na milyon). Ginamit ang pondo para pondohan ang isang 50-megawatt na solar photovoltaic power plant sa Sabah, Malaysia. Bilang karagdagan sa paghanay sa SRI framework, natanggap din ng sukuk ang pag-endorso ng Sharia’ah Advisory Council of BNM at ang pinakamataas na rating mula sa tagapagkaloob ng panlabas na pagtatasa, ang Centre for International Climate and Environmental Research (CICERO) para isulong ang katiyakan at mapaganda ang interes ng mamumuhunan. Kasunod ng tagumpay sa pagpapalabas ng Tadau Energy, isang ikalawa, at mas malaking green sukuk ang na-isyu para sa MYR 1 bilyon (USD 286 na milyon) ng Quantum Solar sa huling bahagi ng 2017, paa pondohan ang isang hiwalay na proyekto sa solar energy.
Mga Pangunahing Natuklasan
Napakahalaga ng malakas na SRI framework na kahanay ng mga pinakamahuhusay na kasanayan sa mundo.
Nagbibigay ang SRI sukuk framework na ipinakilala ng Securities Commission Malaysia noong 2014 ng malinaw na set ng mga kinakailangan para sa pagpapalabas ng isang SRI sukuk kabilang ang mga karapat-dapat na proyekto, mga proseso ng pagsusuri at pagpili, pati na ang mga kinakailangan sa pag-uulat. Alinsunod ang balangkas sa mga internasyonal na pamantayan at mga pinakamahusay na kagawian na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalinawan ng kinakailangan sa pagsisiwalat at nagbibigay ng malinaw na gabay para sa mga potensyal na nag-isyu.
Mahalaga ang mga insentibo at subsidiya sa pagsuporta ng mga bagong instrumento sa pananalapi.
Ang mga insentibo kagaya ng mga di-pagsingil ng buwis sa kinita na mula sa sukuk na na-isyu sa bisa ng SRI framework, at mga subsidiya na nakatutulong na mapababa ang gastos sa mga panlabas na pagsusuri, ay nagsisilbing mahahalagang kagamitan para mapukaw ang dagdag na paglahok mula sa mga nag-isyu sa pagpopondo ng mga luntian, panlipunan, at napapanatiling proyekto sa pamamagitan ng sukuk.
Mapapalakas ng matagumpay na pagpapalabas ang kumpiyansa ng mamumuhunan at paglago ng pamilihan.
Hindi lamang natiyak ng matagumpay na pagpapalabas ng green sukuk ang pondo para sa mga napapanatiling proyekto, kundi pinalakas din ang kumpiyansa ng mamumuhunan sa dedikasyon ng Malaysia sa mga pananalaping responsable sa kapaligiran at sa posisyon nito bilang isang hub para sa pananalaping Islamic. Napakalahaga ng tungkulin ng mataas na rating mula sa isang tagapagkaloob ng panlabas na pagtatasa sa pagtatag ng kredibilidad para sa green sukuk. Ang kasunod na pagpapalabas ng mas malaking green sukuk ay nagpapabatid ng lumalagong interes mula sa mga mamumuhunan at kumpiyansa sa makabagong instrumento sa pananalapi. Nagtakda ang mga pag-unlad na ito ng mapagbabatayan para sa mga napapanatiling inisyatibo sa pamumuhunan sa hinaharap sa pananalaping Islamic hindi lamang sa Malaysia, kundi pati na rin sa iba pang mga bansa sa rehiyon, kagaya ng Indonesia.
Sources
Mga Pinagmulan/Karagdagang Impormasyon
- World Bank (2017). Tinutulungan ang Malaysia na makabuo ng Green Sukuk market, https://thedocs.worldbank.org/en/doc/21c2fb7dfb189f10a0503004757b03f4-0340012022/original/Case-Study-Malaysia-Green-Sukuk-Market-Development.pdf
- World Bank (2020). Pag-Pioneer sa Green Sukuk: Sa Loob ng Tatlong Taon. Available sa https://www.worldbank.org/en/country/malaysia/publication/pioneering-the-green-sukuk-three-years-on
- Securities Commission ng Malaysia (2021). SRI sukuk at bond grant scheme. Available sa https://www.sc.com.my/api/documentms/download.ashx?id=dbdf1bea-8612-4ead-a171-830b9257f24a
- Background Paper ng ADB (2021). Mga Green Islamic bond. Available sa https://www.adb.org/sites/default/files/institutional-document/691951/ado2021bn-green-islamic-bonds.pdf
- Securities Commission Malaysia (2019). Napapanatili at Responsableng Pamumuhunan Sukuk Framework Isang Buod. Available sa: https://www.sc.com.my/api/documentms/download. ashx?id=84491531-2b7e-4362-bafb-83bb33b07416