Crowdfunding para sa wind energy sa Netherlands

Taglay ang mga hamon sa pagkuha ng pondo para sa mga proyekto ng nababagong enerhiya sa mundo at malakas na interes ng publiko sa pagkilos para sa klima, lumitaw ang crowdfunding bilang alternatibong paraan para sa mga komunidad na pondohan ang mga proyekto ng nababagong enerhiya. May ilang mga platform na nakatuon sa crowdfunding sa pagkilos para sa klima ang naging kilala.

Crowdfunding para sa wind energy sa Netherlands

Instrumento at halaga ng pagpopondo

1.3 milyon euro (USD 977.4 na libo)* sa pamamagitan ng crowdfunding

Background

Taglay ang mga hamon sa pagkuha ng pondo para sa mga proyekto ng nababagong enerhiya sa mundo at malakas na interes ng publiko sa pagkilos para sa klima, lumitaw ang crowdfunding bilang alternatibong paraan para sa mga komunidad na pondohan ang mga proyekto ng nababagong enerhiya. May ilang mga platform na nakatuon sa crowdfunding sa pagkilos para sa klima ang naging kilala.

Kabilang sa mga halimbawa ang mga cross-border platform kagaya ng Citizenergy – isang platform na co-funded ng Intelligent Energy Europe Programme ng European Union (EU) na pinagsasama ang mga oportunidad sa pamumuhunan sa crowdfunding na nakatuon sa enerhiya at mga investor sa palibot ng mundo sa iisang lugar, mga platform na nakatuon sa bansa kagaya ng Abundance Generation – isang platform na nagbibigay-daan sa mga investor sa Europa na ipuhunan ang mga pondo nila sa maraming proyekto sa alternatibong enerhiya sa loob ng United Kingdom (UK), pati na ang mga platform na sa loob ng bansa kagaya ng WindCentrale – isang platform na inilunsad noong 2010 a Netherlands na may mithiing pabilisin ang paglipat sa nababagong enerhiya sa Netherlands.

Diskarte

Binibigyang-kakayahan ng WindCentrale ang publiko na maging mga co-owner ng isang wind turbine at makakuha ng mga benepisyo mula sa paggamit ng wind energy. Hinahati-hati nito ang mga wind turbine sa mga wind share, na ang bawat isa ay may inaasahang kapasidad na makagawa ng 500kWh. Sa pamamagitan ng platform, maaaring maging may-ari ang mga pribadong indibidwal sa mga wind share na ito o “wind parts” ayon sa pagkakalarawan ng WindCentrale. Sa taon-taon, makatatanggap ang bawat mamumuhunan ng 500 kWh para sa bawat wind share. Naiaawas ang enerhiyang nagagawa sa pamamagitan ng mga wind share mula sa taunang bayarin sa kuryente.

Mga Resulta

Sa paglunsad nito noong 2013, nakalikom ang WindCentrale ng €1.3 milyon (USD 977.4 na libo)* sa loob lang ng labing-tatlong oras sa pamamagitan ng pagbenta ng 6,648 share sa isang wind turbine sa 1700 sambahayang Dutch. Pagsapit ng 2018, matagumpay itong nakalikom ng €15 milyon (USD 12.7 milyon)** sa pamamagitan ng 60,000 wind share para sa siyam na wind turbine, na nakagawa ng halos 27,656,000 kWh ng kapasidad sa paggawa sa 15,000 sambahayan. Noong 2023, mayroong sampung gumaganang wind turbine ang WindCentrale para sa mga kasalukuyan at mga potensiyal na mamumuhunan.

Mga Pangunahing Natuklasan

Importante ang matibay na legal at pinansyal na balangkas ng regulasyon para makuha ang tiwala sa mga proyekto ng crowdfunding.

Noong 2023, ang paggamit ng crowdfunding para sa mga proyekto ng nababagong enerhiya ay tila naka-concentrate sa US at Europa kung saan may mataas na antas ng tiwala sa mga legal na balangkas at sa kalinawan at pananagutan sa kung paano papamahalaan ang mga nakolektang pondo. Abundance Generation ang unang crowdfunding platform na na-accredit ng UK Financial Conduct Authority (FCA).

Importante ang pangmatagalang kakayahang mapangalagaan ng mga proyekto para makaakit ng mga mamumuhunan.

Isang pangunahing elemento sa tagumpay ng WindCentrale ay ang pag-alok nito sa mga investormamumuhunan ng benepisyo ng pagtamasa sa mas murang presyo ng elektrisidad na ginawa sa pamamagitan ng mga wind turbine a inaawas sa mga bayarin sa kuryente - na may mga pagkakaiba-iba sa aktuwal na natitipid batay sa pagtaas-baba ng presyo ng wind share at presyo ng enerhiya. Kritikal ang pangmatagalang kakayahang mapangalagaan at cash flow para maakit ang mga mamumuhunan sa crowdfunding na may napakaraming opsyon sa pamumuhunan, at dapat na malinaw na maitatag ito sa inaalok na negosyo.

Mga Pinagmulan/Karagdagang Impormasyon

  1. Citizenergy (n.d.). Ang aming kuwento. Available sa: https://citizenergy.eu/story
  2. WindCentrale (n.d.). Paano ito gumagana. Available sa: https://www.windcentrale.nl/
  3. Nigam, Mbarek and Benetti (2018). Crowdfunding para pondohan ang eco-innovation: mga case study mula sa mga nangungunang nababagong enerhiya na platform. Available sa: https://www.cairn.info/revue-journal-of-innovation-economics-2018-2-page-195.htm&wt.src=pdf
  4. Crowdfund Insider (2013). Windcentrale Nakabuo ng €1.3 Milyon, 1700 Sambahayang Dutch Ang Magkaka-Wind Turbine. Available sa: https://www.crowdfundinsider.com/2013/09/23211-windcentrale-raises-e1-3-million-1700-dutch-households-get-wind-turbine/
  5. *Tandaan na kinakalkula ang mga halagang USD batay sa average na buwan na rate ng palitan noong taon 2013. Kinuha mula sa site: https://www.macrotrends.net/2548/euro-dollar-exchange-rate-historical-chart
  6. **Tandaan na kinakalkula ang mga halagang USD batay sa average na buwan na rate ng palitan noong taon 2018. Kinuha mula sa site: https://www.macrotrends.net/2548/euro-dollar-exchange-rate-historical-chart

Other case studies

Other Relevant Case Studies

Naglaan ang pamahalaan ng Brunei Darussalam (madalas na tinutukoy din bilang Brunei) ng B$18 milyon (USD 13.4 na milyon)* para sa pagpapaunlad ng BruHealth phase II at III sa badyet nito para sa FY23/24
Ang pagtatayo ng planta ng solar power ay pinadali ng pinaghalong konsesyonal na pananalapi, na may kabuuang halagang US$41 milyon na may suporta na US$4 milyon mula sa Canada-IFC Pinaghalo na Programang Pananalapi.
Ang Toll Road Special Vehicle (BUJT) na nagpapatakbo ng MBZ Toll Road ay nag-divest ng 40% ng bahagi nito sa PT Jasamarga Jalanlayang Cikampek (JJC) na nagkakahalaga ng IDR 4.38 trilyon (USD 291.6 milyon) * sa PT Margautama Nusantara (MUN) na isang subsidiary ng Salim Group Company.
Scroll to Top