Buksan ang Pagpopondo para sa Smart City sa ASEAN
Ang toolkit na ito ay nagbibigay sa mga tagapangasiwa ng lungsod at mga opisyal ng gobyerno ng kinakailangang kaalaman at mga mapagkukunan na kailangan nila upang pumili ng tool at instrumento sa pagpopondo para sa kanilang mga inisyatiba sa smart city.
Kunin ang mga Tool na Kailangan Mo
Tingnan ang aming komprehensibong gabay sa pagbuo ng smart city.
FIRST
Tingnan ang angkop na mga opsyon sa pagpopondo para sa iyong proyekto
Library ng Instrumentong Pampinansyal
Alamin pa ang tungkol sa iba't ibang mga tool at opsyon sa pagpopondo.
Mga Case Study
Tuklasin kung paano pinondohan ng ibang mga lungsod ang kanilang mga inisyatiba sa smart city.
Mga Mapagkukunan
Kumuha ng iba pang mga kapaki-pakinabang na materyal bukod pa sa website na ito
Kung Paano Gamitin ang Toolkit na Ito
Panoorin ang aming maikling video tutorial para sa isang sunud-sunod na gabay sa paggamit ng Toolkit sa Pagpopondo ng Smart City ng ASEAN
Tool sa Rekomendasyon at Pagpili ng Instrumentong Pampinansyal
Tingnan ang angkop na mga opsyon sa pagpopondo para sa iyong proyekto
Mga FAQ (mga madalas itanong) na isasama
Ano ang ASEAN Smart City Financing Toolkit?
Hinahangad ng ASEAN Smart City Financing Toolkit na mabigyan ang mga administrador ng lungsod at mga opisyal ng pamahalaan ng kinakailangang kaalaman at mapagkukunan para ma-navigate ang mga angkop na tool sa pagpopondo para sa kani-kanilang mga inisyatibo sa smart city. Nagbibigay ito ng isang library ng mga instumento sa pananalapi, mga pinangasiwaang case study pati na ang Rekomendasyon ng Instrumento sa Pananalapi at Tool sa Pagpili (Financial Instrument Recommendation and Selection Tool, FIRST) para tulungan ang mga user sa kanilang unang hakbang para tuklasin ang mga opsyon ng pagpopondo ng smart city, na suportado ng isang chatbot function at discussion board.
Ano ang isang proyekto ng smart city?
Inilalarawan ng ASEAN Smart Cities Network (ASCN) ang mga smart city bilang mga lungsod na “sumasagap ng mga teknolohikal at digital na solusyon pati na ang mga makabagong paraan na hindi teknolohikal para tugunan ang mga paghamon sa lungsod, patuloy na pinabubuti ang buhay ng mga tao at lumilikha ng mga bagong oportunidad”. Isinusulong ng mga proyekto ng smart city ng ASEAN ang inklusibong paglagong pang-ekonomiya at panlipunan kahanay ng mga kinalalabasan ng proteksiyon sa kalikasan, para masapatan ang mga pangkasalukuyan at panghinaharap na mga paghamon na kinakaharap ng mga tao ng ASEAN.
Ano ang FIRST?
Dinisenyo ang Rekomendasyon ng Instrumento sa Pananalapi at Tool sa Pagpili (Financial Instrument Recommendation and Selection Tool, FIRST) para suportahan ang mga user ng Toolkit sa pagmapa ng mga partikular na instrumento sa pananalapi sa mga posibleng proyekto ng smart city. Layunin nitong magrekomenda ng mga instrumento sa pananalapi na maaaring higit pang pag-aralan ng mga stakeholder ng proyekto ng smart city batay sa mga panimulang katangian ng proyekto. Hindi dapat gamitin ng mga user ang mga output mula sa FIRST bilang panglahatan at patuloy na tuklasin ang iba pang opsyon sa pagpopondo para sa mga proyekto ng smart city.
Paano ko gagamitin ang FIRST?
I-click ang button na “Take Quiz” para magamit ang FIRST at sagutin lang ang mga tanong na nasa screen mo. Nagbigay din kami ng isang step-by-step na instructional video para sa paggamit ng Toolkit na ito, kabilang ang FIRST.
Saan ko matututunan pa ang tungkol sa pagpondo ng mga proyekto ng smart city?
Malayang gamitin ang page ng mga karagdagang mapagkukunan para ma-access ang iba pang mapagkukunan tungkol sa pagpondo ng mga proyekto ng smart city. Kung nais mong marinig ang mga karanasan ng iba, magagamit mo rin ang discussion board para malaman ang higit pa.