On-Bill na Pananalapi/ On-Bill na Muling Pagbabayad

Ang mga scheme ng on-bill na pagpopondo (On-bill financing, OBF) o on-bill na muling pagbabayad (on-bill repayment, OBR) ay nagpapahintulot sa mga end-user (mga negosyo at sambahayan) na tustusan ang mga maliliit na proyektong matipid sa enerhiya sa pamamagitan ng pagsasama ng gastos sa kanilang buwanang bill sa utilidad.

Instrument Category

Other ınstruments ın the same Category

Relevant case study

Deskripsiyon

Ang mga scheme ng on-bill na pagpopondo (On-bill financing, OBF) o on-bill na muling pagbabayad (on-bill repayment, OBR) ay nagpapahintulot sa mga end-user (mga negosyo at sambahayan) na tustusan ang mga maliliit na proyektong matipid sa enerhiya sa pamamagitan ng pagsasama ng gastos sa kanilang buwanang bill sa utilidad. Sa ilalim ng kasunduang ito, makakukuha ang mga customer ng mga kagamitang matipid sa enerhiya nang walang panimulang gastos at nababayaran ang gagastusin sa loob ng takdang haba ng panahon. Ang mga utilidad o isang ikatlong partido na nagpapahiram, kagaya ng isang pinansyal na institusyon o kumpanya ng kagamitang pang-enerhiya, ang sasagot sa kapital na gagastusin para sa pag-upgrade. Babayaran ito ng customer sa pamamagitan ng kaniyang buwanang bayarin sa utilidad.

Maaaring na iba’t ibang anyo ang istraktura ng pagbabayad, kabilang ang i) bilang isang tariff-on-bill, kung saan sasagutin ng mga utilidad ang gastos sa paraan ng pagtitipid, at babayaran ng end-user ang karagdagang taripa sa bill para sa serbisyong ito; ii) bilang isang on-bill loan scheme, kung saan binabayaran ang loan sa buwanang bill ng end-user; o iii) bilang isang line-item billing, kung saan gagana ang utility bill bilang kasangkapan para sa end-user na gumawa ng mga pagbabayad sa ikatlong partido na nagpahiram.

Sa ilang kaso, ang mga on-bill scheme ay naka-istraktura na payagan ang ‘bill neutrality’. Nangangahulugan ito na ang tinatayang matitipid na enerhiya mula sa pag-upgrade ay sapat para mabayaran ang buwanang pagbabayad ng loan o hulog sa taripa. At sa gayon, hindi nakararanas ang end-user ng mas mataas na bayarin sa utilidad kaysa sa bago ang pag-upgrade. Sa sandaling maabot ang panahon ng pagbabayad, makararanas ang end-user ng tunay na on-bill na katipiran sa pananalapi mula sa pag-upgrade sa matipid na enerhiya.

Description of on-bill repayment process. Available at: https://blogs.edf.org/energyexchange/2014/03/05/hawaii-taps-on-bill-repayment-program-for-cleanenergy-financing-and-job-creation/

Mga Kondisyon sa Pagpapagana at Pangunahing Pagsasaalang-alang

  • Kakayahang kumolekta ng buwanang bayarin sa utilidad. Kailangan ng developer o tagapagkaloob ng utilidad na makakolekta ng buwan-buwan na bayarin sa utilidad para sa mga on-bill scheme dahil ang mga kabayaran na ito ay importanteng bahagi ng tagumpay ng scheme. Ginagamit ng mga on-bill scheme ang mga nakatatag nang proseso ng billing para pondohan ang mga proyekto sa pagtitipid sa enerhiya atpinaliliit  ang pangangailangan para sa hiwalay na istraktura ng pagbabayad, at kakailanganin na malinaw na itatag ang daloy ng nabayarang pondo.
  • Malinaw na balangkas ng regulasyon. Importante ang malinaw na mga alituntunin sa kung paano mababawi ng mga kumpanya ng utilidad ang gastos, magtakda ng mga taripa, at makipagtulungan sa mga ikatlong partido na nagpapahiram para sa pagtakda ng legal at procedural framework na namamahala sa mga on-bill scheme. Dagdag pa, kakailanganin din na isaalang-alang ang mga regulasyon na patungkol sa pagpapahiram sa consumer at mga postensiyal na implikasyon ng mga ito sa pag-istraktura ng mga on-bill na programa.
  • Access sa mga mekanismo sa pagresolba ng hindi pagkakasunduan. Maaaring magkaroon ng mga hindi pagkakasunduan dahil sa iba’t ibang dahilan, kagaya ng mga di-pagkakaunawaan sa billing, mga inakalang pagkakamali sa natipid na enerhiya, o mga problemang kaugnay ng paggana ng kagamitan. Importante ang pagtatag ng malinaw na mga alituntunin at protokol para tugunan ang mga naturang sitwasyon para sa ikatatagumpay ng mga on-bill scheme. Dapat na magagamit ang mga mekanismo sa pagresolba ng mga hindi pagkakasunduan ng mga consumer, na nagtitiyak na makatatanggap sila ng naaangkop at napapanahong tulong

Mga Potensyal na Hamon

  • Kakulangan ng kasanayan sa mga OBF scheme ng mga nasa industrya. Karaniwang kaunti ang karanasan ng mga tagapagkaloob ng utilidad sa pagpopondo ng proyekto at sa ganoon ay maaaring mahirapan na maglapat ng mga OBF program. Maaaring kailangan din ng mga tagapagkalobb ng utilidad na maalpasan ang pananaw na dapat silang kumilos bilang pinansyal na institusyon para makasali sa mga on-bill scheme, kabilang ang pag-asikaso sa mga hindi pagbabayad, paghanap ng kapital, at pagtugon sa mga non-utility na fuel. Maaaring makaapekto ang mga paghamon na ito sa pakikilahok sa mga OBF scheme.
  • Mga hamon sa legal at regulasyon. Ang pag-navigate sa mga umiiral na regulasyon sa mga tagapagkaloob ng utilidad at pagpapahiram sa consumer ay maaaring magdala ng hamon para sa mga tagapagkaloob ng utilidad at mga nagpapahiram para maipatupad ang mga on-bill scheme, at posibleng maapektuhan ang praktikalidad ng mga programang ito.
  • Kakulangan ng kamalayan ng mga consumer. Napakahalaga ang pagpapabatid sa mga end user para makakuha ng suporta at nang maisulong ang pagkupkop sa mga on-bill scheme. Maraming consumer ang maaaring hindi pamilyar sa mga benepisyo o mekanismo ng OBF, at kaya napakahalaga ng komprehensibong kampanya sa kamalayan para sa tagumpay nito. Makatutulong ang pagbibigay-alam sa mga user tungkol sa mga bentahe, potensiyal sa pagtitipid, at pagkahanda ng mga on-bills scheme na makagawa ng mga mas may-kabatirang desisyon na lumahok sa mga proyekto na makatitipid ng enerhiya, makabuo ng pagtitiwala sa mga naturang scheme, at sa huli’y itaguyod ang mga mas napapangalagaang kagawian sa pagkonsumo ng enerhiya.

Mga Potensyal na Benepisyo

  • Gamitin ang mga umiiral nang client base para sa pagpopondo. Nagbibigay-daan ang mga OBF scheme sa mga tagapagkaloob ng utilidad na magamit ang dati na nilang ugnayan sa mga customer (hal., mga negosyo at sambahayan) para makapagbigay ng mga alternatibong opsiyon sa pagpopondo para sa mga pamumuhunan sa katipiran sa enerhiya, na magbubukas ng paraan para sa pagpopondo ng mga naturang proyekto.
  • Pagkamamaayon sa pagpondo ng mga proyekto sa mga pamilihang kulang sa serbisyo. May iba’t ibang mga modelo para maistraktura ang mga OBF scheme para suportahan ang mga pamumuhunan sa kahusayan ng enerhiya. Halimbawa, mababayaran ng mga customer ang bahagi ng gastos sa pagpapahusay sa tipid ng enerhiya gamit ang perang natipid sa mga bayarin nila sa utilidad. Ang pagkamaaayon na ito ay nangangahulugan na makatutulong ang mga OBF scheme sa mga pamilihan na tradisyunal na kulang sa pautang na magka-access sa pananalapi para sa proyekto.

Mga Pinagmulan/Karagdagang impormasyon

Case Study

Scroll to Top