Comparison between bilateral loans and syndicated loans. Available at: https://www.finleycms.com/blog/whatare-syndicated-loans
Deskripsiyon
Ang syndicated loan ay isang kaayusan sa pananalapi kung saan ang isang malaking loan ay ibinibigay ng isang grupo ng mga nagpapahiram, na kilala bilang syndicate, sa iisang nanghihiram, karaniwan nang isang korporasyon o isang entidad ng pamahalaan. Nagbibigay-daan ang ganitong anyo ng pananalapi ng pagtitipon ng mga mapagkukunan mula sa maraming pinansyal na institusyon para pondohan ang pangangailangan sa kapital ng humihiram at karaniwan sa mga malakihang proyektong pang-imprastraktura.
Nag-aalok ang mga syndicated loan ng ilang bentahe sa mga humihiram at nagpapahiram. Para sa mga humihiram, nagbibigay-daan ang syndication para sa mas malaking tinipong kapital kaysa sa kung ano ang available sana mula sa nag-iisang nagpapahiram. Para sa mga nagpapahiram, nahahati ang panganib sa pagitan ng maraming nagpapahiram, na nakababawas sa pagkalantad ng bawat isang institusyon. Nagbibigay-daan din sa mga institusyon ang paglahok sa isang syndicated loan na pag-iba-ibahin ang kani-kanilang mga portfolio nang hindi kinakailangang sumugal nang husto sa panganib na kaugnay ng malaking loan.
Ang istraktura ng isang syndicated loan ay karaniwang naturang na mayroong nangungunang bangko o underwriter (tagaseguro). Karaniwang nagpapahiram ang nangungunang bangko ng mas malaking bahagi ng pera o kaya’y sasalo sa mga tungkuling administratibo. Kabilang sa mga tuntunin ng mga syndicated loan ang mga rate ng interes, mga iskedyul ng muling pagbabayad, at mga kasunduan, na isinasaalang-alang ang mga interes at laki ng pakikilahok ng nagpapahiram. Maaaring istraktura ang mga syndicated loan bilang mga term loan na may mga nakatakdang iskedyul ng muling pagbabayad o bilang mga umiikot na pasilidad ng kredito na may mga naiaayon na limit sa paghiram.
Mga Kondisyon sa Pagpapagana at Pangunahing Pagsasaalang-alang
- Pagkakarapat-dapat sa pautang ng lungsod o proyekto. Malaki ang impluwensya ng rating ng kredito ng isang proyekto o lungsod sa paghubog sa mga tuntunin at kondisyon na makukuha nito sa isang loan. Madalas na nagiging kuwalipikado ang mga lungsod o proyekto na may malakas na pagkakarapat-dapat sa pautang sa mas paborableng rate ng interes at mga tuntunin sa muling pagbabayad. Nakadepende ang pagtatasa sa pagkakarapat-dapat ng isang proyekto sa pautang sa mga pinansyal na pahayag nito, kabilang ang mga pahayag sa kita, balance sheet statement, at mga cash flow statement. Sa pagtatasa sa pinansyal na kalusugan, titingnan ng mga bangko ang mga tagapagpahiwatig kagaya ng matatag na daloy ng kinikita, nakakayanang antas ng mga pagkakautang, at mga positibong cash flow.
- Legal na balangkas para ipatupad ang mga tuntunin ng loan. Kailangan ng mga bangko ng katiyakan na susunod ang mga humihiram sa lahat ng legal at pangregulasyon na kinakailangan sa pagkuha ng isang term loan. Nagmumula ang katiyakan na ito sa pang-unawa sa awtoridad ng lungsod o proyekto na humiram at magkautang, pagberipika sa pagka-legal ng nilalayon na paggagamitan ng pondo, at pagtiyak sa abilidad ng bangko na ipatupad ang mga tuntunin sa pagbabayad. Ang matatag na kapaligiran sa regulasyon ay nagbibigay ng pundasyon para sa matagumpay na pagsasagawa at pagpapatupad ng mga term loan.
Mga Potensyal na Hamon
- Maaaring kumplikado at matagal ang pag-istraktura sa loan. Dahil kabilang sa loan ang maraming nagpapahiram, maaaring maging kumplikado at matagal ang pakikipag-negosasyon sa mga tuntunin at kondisyon, na posibleng mag-aantala sa progreso ng proyekto.Dagdag pa rito, dahil kabilang sa mga syndicated loan ang maraming partido, mahalaga para sa pangunahing dokumento at mga dokumento ng syndicated loan na malinaw na ilarawan ang mga tungkulin ng bawat partido at itakda ang kani-kanilang mga kaugnay na karapatan, obligasyon, at priyoridad bukod sa iba pang mga partido. Nakadaragdag ito sa itatagal ng proseso ng negosasyon ng loan, at bilang nga trabahong administratibo na kinakailangan.
- Maaaring hindi akma para sa pagpopondo ng mga hindi pa nasubok o mga proyekto ng smart-city na nasa maagang yugto pa lang at limitado ang mga track record sa pananalapi. Maaaring maging mapanghamon para sa mga proyekto ng smart-city na nasa maagang yugto pa lang at limitado ang mga cash flow na patunayan ang kanilang pagkakarapat-dapat na pautangin sa mga bangko at iba pang nagpapahiram na nasa syndicate. Ginagawa itong medyo mas mapanghamon para sa mga proyektong nasa maagang yugto pa lang na walang cash flow na makakuha ng mga loan.
- Maaaring may kaharaping hamon ang mga lungsod o proyekto sa pagkuha ng mga paborableng rate. Maaaring may kaharaping mga hamon ang mga lungsod na may mababang rating ng kredito o kasaysayan ng kawalang-katiyakan sa pananalapi na makakuha ng mga paborableng tuntunin sa paghiram. Maaaring magresulta ang limitadong pagkakarapat-dapat sa pautang sa mas mataas na rate ng interes, mahihigpit na kondisyon sa muling pagbabayad, o kahit ang hirap sa pagkuha ng loan. Nagiging napakahalaga ang pagpapahusay sa pagkakarapat-dapat sa pautang ng isang lungsod o proyekto sa pamamagitan ng matatag na pamamahala sa pananalapi para makaalpas sa hamon na ito.
Mga Potensyal na Benepisyo
- Access sa malalaking halaga ng kapital. Nagbibigay-daan ang mga syndicated loan sa mga humihiram, kagaya ng mga munisipalidad o mga korporasyon na may kinalaman sa mga proyekto ng smart city, na maka-access ng malalaking halaga ng kapital na maaaring mahirap para sa nag-iisang nagpapahiram na ibigay. Importante ito para sa pagpopondo ng mga malakihang imprastraktura o inisyatibo sa teknolohiya na karaniwan sa mga pagpapaunlad ng smart city.
- Paghahati-hati ng panganib sa pagitan ng mga nagpapahiram. Sa pamamahagi ng halaga ng loan sa pagitan ng maraming pinansyal na institusyon, naikakalat ng mga syndicated loan ang panganib na kaakibat ng malalaking loan. Partikular na kaakit-akit ang paghahati-hati ng panganib sa konteksto ng mga proyekto ng smart city, na maaaring kumplikado at may taglay na mas matataas na antas ng kawalang-kasiguruhan at panganib.
- Pinasimpleng pamamahala ng loan para sa mga humihiram. Para sa mga humihiram, ang pamamahala sa isang syndicated loan ay maaaring mas tuwiran kaysa sa pagsasalit-salit ng magkakahiwalay na loan mula sa iba’t ibang nagpapahiram. Sa isang syndicated loan, karaniwang mayroong nangungunang institusyon na kumikilos bilang contact ng humihiram, na nagpapabilis sa komunikasyon at sa mga prosesong administratibo.
Mga Pinagkunan
- Investopedia (2024). Mga syndicated loan: ano ito, paano ito gumagana, at mga halimbawa. Available sa: https://www.investopedia.com/terms/s/syndicatedloan.asp
- Corporate Finance Institute. Syndicated Loan. Available sa: https://corporatefinanceinstitute.com/resources/commercial-lending/syndicated-loan/
- Dentons (2014). Mga Natatanging Problema ng Mga Syndicated Loan. Available sa: https://www.dentons.com/en/insights/articles/2014/april/14/special-problems-of-syndicated-loans
- BDC. Syndicated Loan. Available sa: https://www.bdc.ca/en/articles-tools/entrepreneur-toolkit/templates-business-guides/glossary/syndicated-loan