Deskripsiyon
Ang term loan ay isang karaniwang kasunduan sa pananalapi na batay sa utang kung saan tatanggap ang humihiram ng lump sum na pera mula sa isang pinansyal na institusyon, kagaya ng isang bangko, at sumasang-ayon na babayaran ang loan sa loob ng nakatakdang haba ng panahon, na tinatawag na loan term. Hindi tulad ng mga umiikot na credit facility, may takdang iskedyul ng pagbabayad ang mga term loan, karaniwang binubuo ng mga buwanang hulog, na ginagawa itong naka-istrakturang anyo ng utang. May iba’t ibang layunin na ginagampanan ang mga term loan, kabilang ang pagpopondo sa mga paggasta ng kapital, mga proyekto ng pagpapalawak, mga pagbili ng kagamitan, o pagsapat sa mga pangangailangan sa matagalang working capital. Maaaring may nakatakda o pabago-bagong presyo ng interes ang mga loan na ito, at maaaring panandalian o pangmatagalan ang panahon ng pagbabayad dito, depende sa katangian ng loan at layunin kung bakit ito kinuha.
Maaaring secured ang mga term loan, kung saan ipinapangako ang mga asset bilang kolateral, o unsecured, na umaasa lang sa pagkakarapat-dapat sa pautang ng humihiram. Karaniwang nakabalangkas ang mga tuntunin at kondisyon ng mga term loan sa pormal na kasunduan, kabilang ang mga detalye kagaya ng mga rate ng interes, mga iskedyul ng pagbabayad, mga kaugnay na bayarin, at mga opsyon sa pagbabayad.
Mga Kondisyon sa Pagpapagana at Pangunahing Pagsasaalang-alang
- Pagkakarapat-dapat sa pautang ng lungsod. Malaki ang impluwensya ng rating ng kredito ng isang lungsod sa paghubog ng mga tuntunin at kondisyon na maaari nitong makuha sa isang term loan. Madalas na nagiging kuwalipikado ang mga lungsod na may malakas na pagkakarapat-dapat sa pautang sa mas paborableng presyo ng interes at mga takda sa pagbabayad. Nakadepende ang pagtatasa sa pagkakarapat-dapat ng isang lungsod sa pautang sa mga pinansyal na pahayag nito, kabilang ang mga pahayag ng kita, balance sheet statement, at mga cash flow statement. Sa pagtatasa sa kalusugan sa pananalapi ng lungsod, titingnan ng mga bangko ang mga pananda kagaya ng matatag na daloy ng kinikita, nakakayanang antas ng mga pagkakautang, at mga positibong daloy ng cash.
- Kakayahang muling bayaran ang loan. Isang mahalagang salik sa desisyon ng isang bangko na magkaloob ng term loan sa kakayahan ng lungsod o ng proyekto na bayaran ang prinsipal at interes ng loan. Karaniwan itong may kasamang mabusising pagsisiyasat ng bangko sa daloy ng kinikita, alokasyon ng badyet, at kagawian sa pamamahala ng pananalapi ng lungsod o proyekto. Ang malakas na kakayahang magbayad ay nagbibigay ng kumpiyansa sa bangko, na nagbibigay ng garantiya sa kanila sa abilidad ng lungsod na tuparin ang mga obligasyon nito sa utang.
- Abilidad na ipatupad ang mga tuntunin ng loan. Kailangan ng mga bangko ng katiyakan na susunod ang lungsod sa lahat ng legal at pangregulasyon na kinakailangan sa pagkuha ng isang term loan. Nagmumula ang katiyakan na ito sa pang-unawa sa awtoridad ng lungsod na humiram at magkautang, pagberipika sa pagka-legal ng nilalayon na paggagamitan ng pondo, at pagtiyak sa abilidad ng bangko na ipatupad ang mga tuntunin sa muling pagbabayad. Ang matatag na kapaligiran sa regulasyon ay nagbibigay ng pundasyon para sa matagumpay na pagsasagawa at pagpapatupad ng mga term loan.
Mga Potensyal na Hamon
- Maaaring may kaharaping hamon ang mga lungsod sa pagkuha ng mga paborableng rate. Maaaring may kaharaping mga hamon ang mga lungsod na may mababang rating ng kredito o kasaysayan ng kawalang-katiyakan sa pananalapi na makakuha ng mga paborableng tuntunin para sa isang term loan. Maaaring magresulta ang limitadong pagkakarapat-dapat sa pautang sa mas mataas na rate ng interes, mahihigpit na kondisyon sa muling pagbabayad, o kahit ang hirap sa pagkuha ng loan. Nagiging napakahalaga ang pagpapahusay sa pagkakarapat-dapat sa pautang ng isang lungsod sa pamamagitan ng matatag na pamamahala sa pananalapi para makaalpas sa hamon na ito.
- Maaaring makahadlang sa pautang ang mga alalahanin tungkol sa viability ng isang proyekto. Kung inilaan ang isang term loan para pondohan ang isang partikular na proyekto, maaaring makahadlang ang mga alalahanin tungkol sa viability at tagumpay ng proyekto sa pag-apruba ng loan. Maaaring busisiin ng mga nagpapautang ang plano sa negosyo ng proyekto, ang nilalayong paggagamitan ng pondo, abilidad ng lungsod na isagawa nang matagumpay ang proyekto, at maging ang potensiyal na epekto ng proyekto sa ekonomiya, kapaligiran, o lipunan. Makatutulong ang malinaw na komunikasyon at detalyadong plano ng proyekto na matugunan ang problemang ito.
- Malaki ang epekto ng mga macroeconomic na kondisyon sa rate ng pautang. Ang mga di-tiyak na kondisyon ng ekonomiya, mula sa mga salik na hindi kontrolado ng lungsod – kagaya ng kawalang-katatagan ng pulitika, mga recession, mga pandemiya, atbp. – ay maaaring maging hamon sa mga lungsod na kumukuha ng mga term loan. Maaaring magdagdag ng pag-iingat ang mga nagpapautang sa mga panahon ng kawalang-katiyakan ng ekonomiya. Magkakaroon ito ng malaking epekto sa mga pag-apruba ng loan at mga rate ng interes.
Mga Potensyal na Benepisyo
- Naka-istraktura at nahuhulaan ang mga kasunduan sa muling pagbabayad. Nag-aalok ang mga term loan ng istraktura at nahuhulaang iskedyul ng pagbabayad, na nagbibigay sa mga lungsod ng linaw at katatagan sa kanilang pagpaplano at pamamahala sa pananalapi. Hindi tulad ng mga loan crediting kredito o umiikot na pondo, ang mga term loan ay may nakatakdang rate ng interes at nakatakdang mga panahon ng muling pagbabayad, na nakababawas sa kawalang-kasiguruhan na kaugnay ng mga pabago-bagong rate ng interes. Nagbibigay-daan din ang nahuhulaang iskedyul ng muling pagbabayad ng mas mahusay na pagbadyet at paglalaan ng mga mapagkukunan sa itatagal ng loan.
- Hindi masalimuot at tuwirang opsyon sa pagpopondo. Hindi tulad ng mga mas komplikadong kasunduan sa pananalapi kagaya ng mga munisipal na bono, o mga on-bill na financing scheme na maaaring mangailangan ng mas sopistikadong paglahok sa pamilihan ng kapital, iniaalok ng mga term loan sa mga lungsod ang pagka-simple at kakayahang ma-access. Maaaring i-navigate ng mga lungsod ang proseso ng pagkuha ng loan nang hindi nahihirapan, na nagbibigay-daan sa mga lungsod na makakuha ng pagpopondo nang hindi kinakailangan ang mga komplikadong istraktura sa pananalapi o malalimang pang-unawa sa mga pamilihan ng kapital, na ginagawang praktikal at tuwirang opsyon sa pagkuha ng kapital na mahalaga para sa mga proyekto ng pagpapaunlad.
Mga Pinagmulan/Karagdagang impormasyon
- Standard Chartered (n.a.). Mga Term Loan. Available sa: https://www.sc.com/gh/business/working-capital/term-loans/
- Globalwaters (2011). Bumubuo ng mga napapanatili at inklusibong serbisyo sa imprastraktura. Isang guidebook para sa mga nagpapatupad ng proyekto at mga gumagawa ng patakaran sa India, Kabanata 6 pananalapi sa imprastraktura sa lungsod. Available sa: https://www.globalwaters.org/sites/default/files/6-Chapter%206.pdf
- World Bank (n.a.). Inisyatibo sa pagkakarapat-dapat ng lungsod sa pautang, isang
pakikipagsosyo para makapaghatid ng pananalapi sa munisipyo. Available sa: https://www.worldbank.org/en/topic/urbandevelopment/brief/city-creditworthiness-initiative