Different types of GSSS bonds. Available at: https://www.fidelity.com.sg/beginners/esginvesting/finding-the-right-tree-in-a-forest
Deskripsiyon
Ibinibigay ng green, social, sustainable, sustainability-linked na mga bono (GSSS bonds) ang mga nalikom mula sa mga inisyatibong nagsusulong ng mga positibong pangkaligiran, panlipunan, at napapanatiling resulta. Maraming bansa ng ASEAN ang nag-isyu ng mga GSSS bond, taglay ang suporta ng mga pambansang pamahalaan at mga multilateral na development bank.
Mga Kondisyon sa Pagpapagana at Pangunahing Pagsasaalang-alang
- Pagsunod sa mga internasyonal na prinsipyo at pamantayan. Dapat na sumunod ang mga bono na naisyu para sa mga green, social, o sustainability-linked na inisyatibo sa mga pang-internasyonal na pamantayan o prinsipyo, kagaya ng mga naitakda sa mga pamantayan sa GSSS bond ng ASEAN, na nakabatay sa mga prinsipyo sa GSSS ng Asosasyon ng Internasyonal na Pamilihan ng Kapital (International Capital Market Association, ICMA). Makatutulong ang paggawa nito sa pagpapahusay sa kumpiyansa ng mamumuhunan at mapipigilan ang greenwashing, nakababawas sa mga gastos sa transaksiyon, at gumagamit sa mahusay na pakikipagpalitan at napapahusay pa ang liquidity ng pamilihan.
- Magtatag ng mga pambansang mga alituntunin o balangkas sa pagpapalabas ng GSSS bond. Malaki ang magiging papel ng pagkakaroon ng pambasang balangkas o set ng mga alituntunin sa mga GSSS bond sa paghimok sa mga lokal na pamahalaan na tingnan ang mga ito bilang posibleng opsyon para sa pagpopondo ng mga proyekto ng smart city. Hindi lang nakatutulong ang mga alituntunin na ito na pabilisin ang proseso ng pagpapalabas at mapipigilan ang greenwashing kundi nagpapadala rin ng malalakas na pahiwatig ng suporta ng pamahalaan para sa mga napapanatiling pamumuhunan.
- Paggamit ng mga estratehiya sa pagpapababa ng panganib. Ang karaniwang hamon na kinakaharap ng mga GSSS bond ay ang kakulangan ng mga investment grade rating mula sa malalaking ahensya ng rating ng kredito, na siyang nakaka-apekto sa interes ng mga mamumuhunan. Para sa layuning ito, ang paggamit ng mga mekanismong nagpapahusay sa kredito, kagaya ng mga garantiya, ay malaki ang itutulong sa pag-angat ng rating ng bono, at pinahuhusay ang apela sa mga mamumuhunan. Isa pang posibleng estratehiya ang paggamit sa mga quasi-government na institusyon, kagaya ng mga bangko na pag-aari ng estado, mga pambansang pension fund o mga tagapagkaloob ng seguro ng estado para sa unang pagbenta, para mapalaki ang kumpiyansa ng pamilihan sa instrumento at mailatag ang pundasyon para sa mas malawak na tiwala ng mamumuhunan ng institusyon.
Mga Potensyal na Hamon
- Kakulangan ng pagpapagana ng balangkas ng regulasyon. Ang kakulangan ng panloob na mapagkukunan ng pamahalaan at alituntunin na inilaan sa pagbuo ng mga pamantayang alituntunin at pagbibigay-daan sa kaligiran ng regulasyon ay makahahadlang sa pag-isyu ng mga GSSS bond at magreresulta sa pagkawala ng available na mga naturang instrumento sa lokal na pamilihanj ng kapital. Maaari rin na maging hadlang para sa mga lungsod ang hindi malinaw na mga legal na balangkas sa pag-isyu ng bono.
- Limitadong karanasan sa pag-isyu ng mga GSSS bond. Maaaring limitado ang karanasan ng mga lokal na pamahalaan sa pag-isyu ng GSSS bond. Kailangang kaharapin ng mga nag-isyu ang mga partikular na pamantayan sa industriya, mga panukatan sa pagtatasa, at mga proseso ng pagsubaybay at pagberipika, na dahilan para maging kumplikado at nakapapagod ang pangkalahatang proseso. Lalo pang magpapagulo sa hamon na ito ang kawalan ng malilinaw na pambansang alituntunin at hahadlang sa mga lokal na pamahalaan sa pagtanaw sa mga GSSS bond bilang mahusay na opsyon sa pagpopondo para sa mga proyekto ng smart city. Bilang karagdagan, ang mga lokal na pamahalaan na mahina ang kapasidad sa pamamahala ng pananalapi o track record ng paggawa na pasok sa budget ay mapipigilan sa pag-access ng mga pamilihan ng GSSS bond dahil sa sarili nitong mga abilidad sa pag-isyu.
- Gastos para makamit ang sertipikasyon sa GSSS bond o mga kinakailangan sa pagsisiwalat. Ang pagkamit sa label na “green bond” label, sa mga pagsubaybay at pamamahala sa mga kinakailangan sa pagsisiwalat ay karaniwang isinasagawa ng isang ikatlong partido, na sa ilang mga pamilihan, ay may kamahalan ang singil (umaabot sa pagitan ng USD 10,000-100,000) at maaaring maging isang hadlang para sa ilang nag-isyu.
- Limitadong pang-unawa at interes mula sa mga lokal na mamumuhunan. Makapipigil ang limitadong interes mula sa mga lokal na mamumuhunan sa paggamit ng mga GSSS bond para pondohan ang mga proyekto ng smart city at hahadlang sa paglago ng lokal na pamilihan ng GSSS bond. Ang kawalan ng pang-unawa sa mga benepisyo ng mga GSSS bond, ang pananaw na mas kumplikado ang pag-isyu ng mga thematic na bono kaysa sa mga karaniwang bono na walang malaking karagdagang benepisyo, kawalan ng mga kinakailangan sa pagsisiwalat para sa mga mamumuhunan para maisiwalat ang epekto ng mga pamumuhunan nila sa kapaligiran, at maging ang kawalan ng mga opsyon sa pagpapahusay ng kredito para gawing mas kaaya-aya ang mga bono sa mga mamumuhunan, ay mga salik na nakadaragdag sa kawalan ng interes mula sa mga mamumuhunan.
Mga Potensyal na Benepisyo
- Pagpopondo para sa mga luntian, panlipunan, napapanatiling proyekto. Nagbibigay ang mga GSSS bond sa mga lungsod ng dedikadong alternatibong pinagmumulan ng pondo para sa mga proyektong mabuti sa kapaligiran at responsable sa lipunan. Sa pamamagitan ng pag-access ng kapital sa pamamagitan ng mga bono na ito, maisusulong ng mga lungsod ang mga mithiin nila sa pangangalaga nang hindi umaasa sa mga tradisyunal lang na paraaan ng pagpopondo kagaya ng mga loan sa bangko.
- Pangmatagalang opsyon sa pagpopondo. Makapagbibigay ang mga GSSS bond ng pangmatagalang pagpopondo, gayong ang timing ng mga proyekto ng luntiang imprastraktura ay kadalasang akma sa mga katamtaman at pangmatagalan na iskedyul ng muling pagbabayad ng bono.
- Aggregator para sa mas maliliit na proyekto ng GSSS Magagamit ang ma bono bilang epektibong estratehiya para pondohan ang mas maliliit na green, social o sustainable na proyekto sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa mga ito sa iisang pag-issue ng bond. Magbibigay-daan ang ganitong paraan na maalpasan ng mga munisipalidad ang mga limitasyon sa laki ng bawat hiwalay na proyekto at makamit ang economies of scale para sa mga gastusin sa transaksiyon.
- Pahusayin ang reputasyon at kredibilidad. Makatutulong ang paghanay ng mga proyektong nasa lungsod sa mga framework ng GSSS bond na matiyak na susundin ng imprastraktura sa loob ng lungsod ang mga pambasa o pang-internasyonal na mga luntian, panlipunan, o napapanatiling mga pamantayan o balangkas. Makatutulong din sa pagbuo ng kalinawan ang pag-ugnay ng mga proyekto ng smart city sa mga bond at mga pang-internasyonal na pamamaraan sa pagpapatupad na maaaring mauwi sa matatag na pamamahala ng pananalapi para sa lungsod. Mapapaganda ng dedikasyon na ito ang reputasyon at kredibilidad ng lungsod sa mga mamumuhunan, mga residente, at iba pang mga stakeholder, at magsusulong ng positibong larawan, na posibleng aakit ng dagdag na pagpopondo para sa mga proyekto sa hinaharap.
Mga Pinagmulan/Karagdagang Impormasyon
- Inisyatibo sa Mga Bono sa Klima (2022). Sustainable Finance State of Market 2022 ng ASEAN. Available rito: https://www.climatebonds.net/files/reports/cbi_asean_sotm2022_final.pdf
- OECD (2021). Pag-iskala pataas sa Mga Pagpapalabas ng Green, Social, Sustainability and Sustainability-linked Bond sa Mga Umuunlad na Bansa. Available rito: https://one.oecd.org/document/DCD(2021)20/En/pdf
- OECD (2016). Mga green bond. karanasan ng bansa, mga hadlang, at mga opsyon. Available rito: https://www.cbd.int/financial/greenbonds/oecd-greenbondscountries2016.pdf
- Matheson (n.d.). ESG: Na-update ang Mga Prinsipyo ng Green Bond. Available rito:https://www.matheson.com/insights/detail/esg-green-bond-principles-updated
- Inisyatibo sa Patakaran sa Klima (2016). Mga Green Bond para sa Mga Lungsod: Isang Estratehikal na Gabay para sa Mga Gumagawa ng Pang-lungsod na Antas na Patakaran sa Mga Umuunlad na Bansa. Available sa: https://www.climatepolicyinitiative.org/wp-content/uploads/2016/12/Green-Bonds-for-Cities-A-Strategic-Guide-for-City-level-Policymakers-in-Developing-Countries.pdf