Mga Karagdagang Mapagkukunan

Iba pang mga materyal na may kaugnayan sa pagbuo ng makabago at sustenableng mga lungsod.

ASEAN Catalytic Green Finance Facility (ACGF)

Ang ACGF ay inisyatibo sa pananalapi sa ilalim ng ADB na sumusuporta sa mga proyekto sa luntiang imprastraktura sa mga estadong miyembro ng ASEAN. Tumutulong ito na pondohan ang mga proyekto ng smart city na nakatuon sa kakayahang mapanatili at katatagan sa kapaligiran.

Pakikipagsosyo ng Mga Samrt City ng US at ASEAN

Layunin ng pakikipagsosyo na ito na itaguyod ang napapanatiling pagpapaunlad ng kalunsuran sa mga lungsod ng ASEAN sa pamamagitan ng palitan ng mga kadalubhasaan at mapagkukunan. Suportado nito ang mga pamumuhunan sa smart city sa pagpapabilis sa pakikipagtutulungan at pagbabahagi ng pinakamahuhusay na kasanayan.

Asosasyon ng Japan para sa Mga Smart City sa ASEAN (Japan Association for Smart Cities in ASEAN, JASCA)

Ang JASCA ay isang organisasyon na nagsusulong ng mga inisyatibo ng smart city sa mga bansa ng ASEAN sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga entidad sa Japan. Suportado nito ang mga pamumuhunan sa smart city sa pamamagitan ng pagbigay ng mga kadalubhasaan at teknolohikal na solusyon mula sa Japan.

ASEAN

Ang Asosasyon ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya (Association of Southeast Asian Nations, ASEAN) ay isang pangrehiyon na organisasyong ng maraming pamahalaan na nagsusulong sa pagtutulungan sa pulitika at ekonomiya. Suportado nito ang mga pamumuhunan sa smart city sa pamamagitan ng mga inisyatibong kagaya ng ASEAN Smart Cities Network, na nagpapalago sa pakikipagtulungan at pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng mga estado na miyembro.

ASEAN Smart Cities Network

Nagbibigay ang ASEAN Smart Cities Network ng plataporma para sa mga lungsod na miyembro ng ASEAN na tungkol sa pag-unlad ng kani-kanilang mga smart city project pati na ang tumuklas ng mga oportunidad na makipagsosyo sa mga panlabas na kasosyo, kabilang ang pribadong sektor.

Trust Fund ng Mga Australia Smart City ng ASEAN

Ang ASEAN Australia Smart Cities Trust Fund ay isang single-donor trust fund na itinatag noong 2019 sa ilalim ng Urban Financing Partnership Facility ng Asian Development Bank. Sinusuportahan ng pondo ang mga aktibidad na magpapahintulot sa mga lungsod na mapadali ang pag-angkop at paggamit ng mga digital na solusyon, sistema, at mga sistema ng pamamahala upang makabuo ng mga lungsod na maaaring tirahan, pangkapaligiran, kayang makipagsabayan, inklusibo, at matatag
Scroll to Top